06

1K 52 49
                                    

"Dito ang kama ko!" turo ko sa kanya. Yung malapit sa bintana ang akin.

Hindi naman siya umimik. Pinatong nya lang ang bag niya sa kama at dahan dahan naupo dun. Parang nagulat pa siya ng lumubog siya..

Kumunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan siya.. Ignorante amp!

"Ito ang closet. Sakin ang right side.." tinuro ko naman sa kanya ang closet. Tumango lang ulit siya.

"Study table. Akin din ang right side." turo ko sa kanya. May mga libro na dun kaya makikita nya naman. Isang mahaba na lamesa lang kasi yung study table kaya share.

"Isa lang ang restroom.. Ikaw mauunang maligo.." nakangising pahayag ko. Mauna siyang maligo para siya unang magising hahaha

"May ref sa baba.. Andun mga frozen products. Wala tayong maids dito kaya everyday may partner na nakatokang magluto at maghugas ng pinggan. Everyweek may one day na permanent toka satin. Depende sa Acads sched natin pero sila ate Ara, ate Shiella at Jai sa sunday na sila. Kasama dusting dahil tatlo sila. Since tayo roommate, unfortunately..." ngumiwi muna ako "Tayo din ang partner."

*tok *tok

"Buksan mo.." utos ko sa kanya. Tumayo naman siya at binuksan ang pinto.

"Hi!!" salubong ni ate Alyssa na may magandang ngiti "Kakain daw muna tayo sa labas as a team."

Lumingon siya sakin na parang tinatanong ako ano gagawin..

"Sige Ate Ly, baba na po kami.." sagot ko na lang dito.

Pagkasara ni ate Alyssa ng pinto ay humarap sakin si Probinsyana.

"May tanong ka pa ba? Ayuko ng paulit ulit ha.."

"Wala." tipid na sagot nya kaya bumaba na kami sa sala.

Nauna akong maglakad sa kanya kasi ayukong isipin ng iba na close na kami. Mga bully pa naman mga yan. Lalakas mang-asar.

"Capt!" masayang umakbay sakin si Charlie. "Tara na!"

Sabay sabay kaming lumabas ng flat at naglakad.. Kanya kanyang kasabay kami maglakad ng mapansin kong nasa dulo si Probinsyana at nag-sosolo.. Haay.

Huminto ako at hinintay siya.

"Bilisan mo maglakad. Baka maligaw ka na naman.." utos ko sa kanya. Binilisan niya naman maglakad.. Nakita ko rin na nilapitan na siya ni Jho at Bea. Okay na yun.

Pagdating namin sa isang restaurant ay nagkanya kanya na kaming upo. Nagulat pa ako ng umupo si Probinsyana sa tabi ko.. Teka nga! Ang haba ng Probinsyana.. Sha na lang. Jillian Shane naman siya eh..

Nagtitingin na kami sa menu ng bumulong sakin si Sha.

"Magkano dito?"

"Ayan oh! Tingnan mo.." tinuro ko ang menu sa harap niya.. Tinitigan niya naman iyon.

"One Lasagne, garlic bread and cucumber juice" order ko.

"Sayo Ma'am?" tanong ng waiter kay Sha.

"W-wala po kuya.." kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Wala ka bang nagustohan?"

"Ang mamahal. Magkakarinderya na lang ako mamaya.."

"What? Hindi ka dapat kumakain sa mga ganon. Hindi ka sigurado kung malinis ba yung tinda nila. As an athlete you should know how to take care of yourself."

Naramdaman kong hinawakan ako ni ate Den sa balikat..

"I'll get her an order. Ako na magbabayad. No worries." mabilis na nag-order si ate Den ng pagkain para kay Sha.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon