08

931 56 20
                                    

JILLIAN SHANE PILONES #11

"Sino?" kunot noong tanong niya.

"Ikaw." tinuro ko pa siya para walang kawala..

Nag-iwas siya ng tingin at tumawa siya ng mahina na parang di makapaniwala..

Umiling lang siya at pabagsak na nahiga sa kama at pinikit ang mata.

Tinitigan ko na ang mga pinamili niya. Sobrang dami!
Hindi ko na alam paano haharap sa kanya..

Mayabang siya! Maldita! Mainitin ang ulo pero mabait din pala siya. Hindi ko lang pwede aminin sa kanya harapan baka lumaki ang ulo.

Isa isa kong nilabas sa paper bag ang mga damit..

Ang gaganda! Bagong bago ang amoy.. Grabe! Ngayon lang ata ako makakasuot ng ganito kamamahalin na damit.

Tinitigan ko naman si Maya na nakatalikod sa gawi ko at parang natutulog na..

"Salamat" mahinang saad ko

Excited akong sinukat pa ang ibang pinamili niya. Mga simple lang damit na pinili niya. Karamihan ay plain at simple lang ang design.

Binilhan niya rin ako ng mga gamit panglaro.. Mga medyas, headband, short, sando at pati knee pads.
Yung sapatos nga kanina ang ganda! Dalawa pa binili niya. Ngayon lang din ako makakasuot ng original na sa sapatos sa buong buhay ko!

Paano kaya ako makakabawi sa kanya?

Habang nag-iisip ay maingat ko ng tinupi ang mga damit ko at pinasok sa aparador. Nagkalaman din ang aparador ko!

Napansin ko kasi yung aparador nya punong puno ng laman tapos yung mga sapatos nya napakadami kaya yung iba nasa labas na pero di naman makalat. Maayos siya sa gamit at sobrang bango!! Kahit muka siyang gangster minsan.

Pagkatapos ko magligpit ng mga pinamili namin ay nagtungo na ako sa banyo para tignan kung tuyo na ang sinampay ko..

Kumunot ang noo ko ng hindi ko yun mahanap dun..

Nasaan na yun?

Nagdesisyon akong tanongin si Maya.

"Maya.." mahina kong niyugyog ang balikat niya..

"Ano na naman?!" iritang sagot nya na parang inaantok pa

"Nakita mo mga gamit ko sa banyo?"

"Tinapon ko na! Hindi mo naman na kailangan yun.." sagot nya at nagtakip ng unan sa muka.

Tinapon?!
May sentimental value sakin yun kasi bigay yun ni Kyzha sakin!

Nagmadali akong tingnan sa basurahan ang damit. Nakita ko ngang andun pa yun at medyo basa pa.

Nakakainis talaga itong Maya na ito! Hindi nagtatanong sakin! Pasalamat siya mabait siya ngayong araw sakin kaya di ko siya magagawang awayin..

Piniga ko na lang ng mabuti yung Jersey at nilagay sa plastik. May darating naman daw na laundry bukas, Sabado. Isasama ko na lang.

Matutulog na sana ako para magpahinga ng makarinig ng mahinang katok sa pinto.

Pagbukas ko ay tumambad sakin ang nakangiting muka ni Ate Alyssa. Ang ganda nya talaga ngumiti, lumalabas ang biloy sa ilalim ng mata niya.

"Bakit po?" magalang na tanong ko dito

"Naisip lang namin baka gusto niyo sumama samin manuod ng movie sa baba.." sinilip ko naman si Maya kaya sinilip niya rin ito..

Tulog na tulog ito at mukang napagod talaga..

"Matutulog na lang po muna kami.. Napagod kami kanina" magalang na pagtanggi ko..

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon