44

791 52 61
                                    

Mahirap sobrang sakit pero wala na akong magagawa kundi irespeto ang desisyon niya at magsimula ulit.

Hindi ko nga lang alam paano. Parang balik sa umpisa. Balik sa blangkong papel ang buhay ko.

Hinayaan kong umalis ng bansa si Maya at sundan ang pangarap niya dun. Umuwi muna ako sa amin dahil baka sakali maibsan ang sakit na nararamdam ko kung kasama ko ang pamilya ko pero sa bawat minuto na wala si Kaori sa akin para akong malalagotan ng hininga.

Hindi ko sinabi kila Inay na hiwalay na kami. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanila.
Ang hirap hirap na sa tuwing hinahanap nila ito sa akin ay wala akong masagot, magdadahilan na lang ako.

Araw araw sinusubukan kong mabuhay ulit dahil para akong namatay. Parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa akong iwan ni Maya. May parte sa aking umaasa na babalikan niya ako pero limang buwan ng lumilipas ay hindi niya pa rin ako binabalikan.

"Atleast iniwan ka nya para sa pangarap niya at hindi naman para sa ibang tao.." pagpapagaan ni Kyzha ng nararamdaman ko.

"She dreamed a perfect picture of her life. A picture without you." saad ni Achi..

Nandito kami ngayon sa isang Mall. Inaya nila akong mag-gala para daw di ako nagmumukmok. Kaya lang pagdaan namin sa isang appliances store ay interview ni Maya sa tv ang nakita ko..

Buong bansa naniniwala sa kanya na makakapaglaro siya sa WNBA.
Limang buwan na rin na wala akong balita sa kanya. Hindi naman din siya nag-uupdate sa social media account niya. Maliban na lang kapag may mg endorsement post siya pero walang personal.

Alam niyo sa sobrang karupokan ko sa kanya chinat ko siya nung birthday niya. Binati ko siya ng Happy birthday at miss na miss ko na siya pero sineen niya lang ako at hindi nireplyan.

Kaya sinubsob ko na lang ang sarili ko sa pagbabasketball. Pero sa bawat gagawin ko hindi ko maiwasan maalala si Kaori. Siya nagturo sa akin eh.

"Ikaw Achi para kang tanga! Alam mong hindi pa nakaka-move on ang tao, magsasabi ka pa ng mga masasakit na hugot!" asik ni Kyzha dito.

Silang dalawa naman madalas kong nakakasama simula ng maghiwalay kami ni Kaori.

"Ayos lang. Totoo naman sinabi niya." ngumiti pa ako sa kanila kahit alam kong magmumuka pilit lang iyon..

"Haay.. Jelay, nandito naman kasi ako. Sabi ko naman sayo nagbago na ako. Hindi na ako babaero. Alam mo yan!" pangungulit ni Achi.

Ang tiyaga niya ngang patunayan ang sarili niya sakin. Alam ko nagbago na talaga siya. Siya nga yung laging nandiyan sa akin ngayon talaga. Gusto ko naman siya pagbigyan kaso kapag bubuksan ko na puso ko sa kanya makikita kong andon pa rin si Kaori pa rin, nakaukit na siya sa puso ko.

Siya pa rin ang mahal ko kahit binitiwan niya ako.

                                                                        

Sa mismong araw ng pagbubukas ng IUAAP nagsalita ang head organiser. May napakagandang announcement daw siya para sa lahat ng Basketball fan sa Pilipinas lalo na sa mga fan ni Kaori.

Bigla akong na-excite ng marinig ko iyon..

"Ano kaya yun?" mahinang usal ni Alex sa tabi ko. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa nagsasalita. Ayukong may mapalagpas sa sasabihin niya. Lalo na't patungkol ito kay Kaori.

"I would like to announce that our very own Kaori Janella Oinuma was starting to carve her name in the World! She got a 3 year contract to her WNBA Team. The Los Angeles Sparks!" ngayon lang ata ulit ako sumaya ng ganito.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon