KAORI JANELLA OINUMA #23
Unang beses na tumira si Shana ngayong tune up namin. Pinagmasdan ko ang bola habang papunta sa ring. Tumama ito sa ring at tumalbog pa pataas hanggang bumagsak papasok.
YES!!
Hindi makapaniwala si Shana na pumasok ang bola. Pagkapasok ng tira nya ay nag-time out ang kalaban. Lamang pa rin sila ng dalawa
"Jelaay!!" "Wooah!!" sigawan ng mga ka-teammates namin. Tuwang tuwa sila at hindi makapaniwala kaya dinudumog nila si Shana..
Dumiretso lang ako sa bench at naupo para uminom ng tubig..
That's a big shot. Clutch shot ang tinira nya kaya di yun basta basta.."Huddle girls." tawag sa kanila ni Coach at nagpaikot naman kami sa tactical board niya.
Nagdrawing lang si Coach dun ng gagawin namin kapag napunta sa amin ang bola.. 22 seconds left. Hindi dapat makashoot ang kalaban. Sa akin pinapatira ni Coach ang last shot.
Pabalik na kami sa court para dumepensa ng maramdaman kong may humila ng jersey ko. Napalingon ako kay Shana.
"Alam ko gagawin mo ang best mo!" nakangiting saad nya.. I smiled back at my mind.
"No foul. Get the rebound!" simpleng bilin ko sa kanya tumango naman siya..
14 seconds ang nasa shot clock ng kalaban..
Nag-dribble lang ang point guard nila hanggang 4 secs na lang ang matira sa shot clock. Nag-drive ito paloob pero nakasunod ako.. Nag-step back sya at tumira. I made a good contested shot kaya naman sumablay ang tira niya..
Kanya kanyang talon ang mga players na malapit sa ring.. Nakita kong naunang tumalon ang kalaban namin at makukuha nya na ang bola pero biglang lumitaw ang mahahabang kamay ni Jelay at inunahan siya sa bola.
"Shana!!" tawag ko sa kanya.. Pinasa niya sakin ang bola ng hindi natingin sa gawi ko.
It was almost stolen pero nakuha ko pa rin ang bola..
Tumingin ako sa board para makita ang segundong natitira. 3 seconds left.Nagmamadali kong binaba ang bola at huminto sa 3 points line.
I got an open look but quick release..Eeeeenngggggkkkk...
Tunog ng buzzer ang namayani sa buong court at sunod kong narinig ay sigawan..
Sigawan ng mga kalaban namin.
I missed the most important shot! We lose.
Pinagmasdan ko ang kamay ko...
Paano ko sinablay ang pinaka-importanteng tira?! Binigo ko ang mga teammates ko.
Nabalik lang ako sa katotohanan ng tapikin ako sa balikat ng Captain ball ng SVIU.
"Nice game Oinuma! 36 big points! Iba ka talaga!" paanong naging nice game yun? Talo kami!
Hindi ko siya inimik at nagtungo sa bench..
Nakipag-kamay ang iba sa kabilang team pero nanatili lang ako bench nakaupo.I missed a big shot.
Naistorbo ang pag-iisip ko ng may bote ng gatorade sa harap ko na sumulpot.
"Sayang di tayo nanalo! Pero babawi naman tayo eh. Diba?" nanghihinayang na saad ni Shana at naupo sa tabi ko..
Gusto ko mag sorry sa kanya. Ang ganda ng ginawa niya. Clutch point and Clutch Rebound but wasted because of my missed.
"Okay na yun! Atleast 2 points lang lamang nila!" saad ni Ate Jho na hindi ko nagustohan.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...