JILLIAN SHANE PILONES #11
Sobrang excited ko! Kakalapag lang ng eroplano ko dito sa GenSan airport. 8 months ko ding hindi nakita ang pamilya ko, naiiyak na agad ako.
Sumakay ako ng jeep papunta sa amin at tricycle papasok sa looban namin..
"J-Jelay?" pagbaba ko ng tricycle ay tinitigan akong mabuti ni Aling Linda. Yung kapitbahay namin.. "Ikaw na ba yan, iha?"
"Hello po! Kumusta?" nakangiting bati ko dito.
"Hala! Si Jelay nga! Atan! Shie! Andito na si Jelay!!" masayang tawag nito kila Inay.
Narinig ko na parang may biglang nagkakagulo sa loob ng bahay.. Pati ang mga kapit bahay ay nagsilabasan.
"Jelaay!" tumakbo si Inay sakin habang naiyak kaya di ko na rin mapigilan mapa iyak.. "Anak.. Namiss ka namin."
Nagtakbohan din palapit sa akin ang mga kapatid ko at si Itay ay pinagmamasdan lang kami kaya kinawayan ko siya para lumapit. Halatang nagpipigil pa umiyak si Itay pero dahan dahan din siyang lumapit sa amin.
Pinagtitinginan na kami ng mga kapit bahay dahil nag-iiyakan kami.
"Pumasok na muna tayo sa loob.." aya sa amin ni Itay.
"Ate? Sayo ito? Dami mong dala!!" masayang turan ni Jazz habang tinitignan nila ni Jester ang mga bitbit.
"Para sa inyo karamihan diyan.. Tara, ipasok natin sa loob." aya ko sa kanila..
Masaya silang nag-aagawan ng mga damit at sapatos na pinamili ko. Natutunaw ang puso ko makita silang masaya..
Masaya naman kami noon pero iba ngayon dahil nabibili na namin kahit papaano ang mga gusto namin."Waw ate! Ang ganda ganda nito at amoy bago talaga!" saad ni Jester habang inaamoy amoy pa ang sapatos na binili ko sa kanya.
Binilhan ko sila rubber shoes at black shoes pampasok sa klase.
"Oo nga pala.. May pinapabigay din sa inyo si Maya!" kinuha ko ang paper bag na binigay niya at nilabas isa isa ang mga mamahaling malilit na kahon.
Ito pala yung mga binili niya sa bilihan ng alahas.. Hala! Mga mahal ito eh. Ang gastos talaga nun!
May mga pangalan sa labas ng kahon pero yung isang kahon walang pangalan. Binuksan ko iyon, baka nasa loob ang pangalan pero wala naman.
Sobra siguro? Kasi meron ng tig-iisa sila Inay eh. Yung kwintas nga na tinitignan ko pala ang bigay ni Maya. Ang mahal pa naman nun! Nasa 5K yun alam ko! Tapos hikaw para sa mga kapatid kong babae at relo naman kay Itay at Jester.
Para kanino kaya itong bracelet? Muka pa namang mamahalin. Kulay ginto ito at may mga nakalawit na mga star star. Ang cute!
"Mukang mabait na bata talaga yun si Kawri!" natawa na lang akong mahina sa sinabi ni Inay. Binigyan lang ng kwintas eh.
Naku! Sobrang maldita nun eh..
Haay.. Kumusta na kaya yun? Hindi ako nakapagpaalam sa kanya nang umalis ako ng flat kasi tulog na tulog pa siya. Tsaka nahihiya akong gisingin siya. Naaalala ko kasi yung paghalik niya sa pisngi ko.Sobra talaga akong nagulat sa ginawa niya. Ganon pala siya bumati ng Merry Christmas?
"Anak!" tapik sakin ni Inay
"Po?"
"Kako tawagan mo si Kawri para makapagpasalamat tayo!" hala. Nakakatakot tawagan yun. Di ko pa nga natatawagan yun sa buong buhay ko dahil baka masigawan ako.
"Text na lang natin, Inay! Hehe"
"Tawagan mo na.. Bidyo kol mo!" pagpipilit nito sakin.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong online nga si Maya..
Tatawagan ko na sana siya ng muli akong kabahan.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...