32

873 60 211
                                    

JILLIAN SHANE PILONES #11

Hindi ko maintindihan bakit parang galit sakin si Maya? Okay naman kami kaninang umaga.. Magkasama kaming nag-jogging, exercise, kumain at kung ano pang nakasanayan naming ginagawa.

Bago kami pumasok kanina nag-kukulitan pa kami at may usapang kakain ng lomi sa labas.

Nang makabawi ay sinundan ko na siya sa flat..

"Anong ginagawa mo? Bakit nag-aalsa balotan ka?" kumuha siya ng gym bag niya at pinaglalagay dun ang ilang mga mahahalagang gamit niya..

Hindi niya ako kinakausap kaya nilapitan ko siya at inawat sa ginagawa niya.

"Kaori, may nangyari ba? Ipaliwanag mo naman sakin!" patuloy siya sa pagpasok ng gamit sa bag niya at nilalabas ko naman iyon..

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo! Aalis na ako dito!"

"Uy.. Bakit ka aalis? Sino makakasama ko?" hindi niya ako sinasagot at mukang determinado talaga siyang umalis..

"Maya.." yun na lang nasabi ko ng labas siya sa pinto.. Nasilip ko pa sa bintana ang pag-alis niya.

Saan ba siya pupunta? Ano ba nangyari?

Hindi kaya dahil sa pagpunas ko sa likod niya kanina? Iniisip niya na may gusto ako sa kanya kaya nagalit siya..

Pero siya nga eh. Kung titigan niya ako para siyang inlove sa akin. Oh ganon lang talaga siya tumitig?
Tapos lagi pa siyang nakabuntot sa akin kahit anong ginagawa ko, lagi niya rin akong sinasama kahit saan siya magpunta. Ang labo niya naman eh!

Nanghihina akong naupo sa kama namin na magkadikit. Kagabi lang masaya pa kaming naglalaro na dalawa habang magkatabi sa kama e.

Nahiga ako dito. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Nakakaramdam ako ng takot. Paano kung sa April na siya bumalik?

Paano kung tanggalin niya ako sa team?! Hindi naman pwede yun. O baka siya ang mag-quit sa team? Wag naman.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip ay tumunog ang cellphone ko. Nagmamadali akong kuhain yun sa pag-aakala na si Maya yun at babalik na siya pero si Achi ang tumatawag.

"Hello?" mahinang saad ko.

"Baby, buti sinagot mo na ang tawag ko.."

"Ahm.. Oo." walang ganang sagot ko

"Bakit ganyan ang boses mo. Malungkot ka ba baby?"

"Ahm.. Oo, si Maya kasi umalis dito sa flat at parang galit sakin. Hindi ko alam bakit"

"Naku! Wag mo ng isipin yun. Alam mo naman na masama ugali nun." hindi ko umimik sa sinabi ni Achi.

"Mabuti pa baby, date na lang tayo. Sunduin kita dyan!" masiglang saad niya

"Wag na, Achi. Magpapahinga na lang ako" wala ako sa mood gumala.

Gusto ko lang magmukmok dito sa kwarto. Baka bumalik si Maya. Mabuti ng andito ako.

"Sigurado ka baby? Isama kita sa acoustic bar na tinutugtogan ko. Malilibang ka dun!" pamimilit niya pero umiling lang ako na parang makikita niya.

"Ganyan ka na. Tinatanggihan mo na ako.. Parang di naman tayo magkaibigan." pangungunsensya nito

"Achi, pasensya na talaga. Wala ako sa mood ngayon. Sa susunod na lang"

"Sige. Ganyan ka na." saad nito at pinatayan ako ng tawag.

Wag nya sabihing pati siya nagtatampo sakin? Ang sakit sa ulo ah. Ganda ng pa-advance birthday gift nilang dalawa sa akin.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon