Kinaumagahan kahit na hindi kami ang nakatokang magluto ay pinagluto ko ng breakfast si Shana para makabawi.
I was so insensitive towards her. Pero wala naman talaga akong ginagawang masama. Oo nga't tinignan ko si Del Mundo pero kapansin pansin kasi ang galing niya sa pagbabasketball. As a basketball enthusiast mapupukaw talaga attention ko pero hanggang dun lang yun.
Wala na akong ibang mamahalin pa. Hindi ko maisip ang sarili kong magmahal ng iba. I may not be showy but i love Shana.. So much.
Mabilis naman akong pinatawad ni Shana. We heed to morning trainings. Back to normal routine.
Nakalaro na ulit ako.Mas lalo akong ginaganahan maglaro dahil sa ganda ng tinatakbo ng Team namin. And every wins with my love is something to treasure.
Yung pagmananalo kayo sobrang saya lang. Matutulog ng may ngiti sa labi. Everything is going well since i met Shana. Siguro siya ang lucky charm ko.
Even my relationship with Ate went well too. Ofcourse with the consistent help of Shana. Napag-usapan na din namin na ipapakilala ko siya kay Daddy kapag nag-Champion kami.
It's our game today against Brett. Still in elimination round.. May sure slot na kami sa semis pero iba pa rin ang pakiramdam kapag natalo namin ang defending Champion at walang talo na Brett. Tsaka i never defeated them. Laging sa kanila ako natatalo at ayuko nun.
I will never be the best basketball player if i don't have a ring. And i will do everything to have it. I will do everything to become the best player in the World. If i need to die for the ball, i will.
"Maya.." napalingon ako kay Shana at sinalubong niya ako ng yakap. Ofcourse, vitamin before the game started.
"Kapag nanalo tayo, ililibre kita ng lomi!" bulong nya sakin. I rest my head to her shoulder and hug her tighter.
"And If we lost?"
"Hindi tayo matatalo! Maglalaro na ang best player of all time eh!" natawa ako ng mahina sa sagot niya. She always believes in me. Kaya lalong tumataas kompiyansa ko because of her.
Dati sarili ko lang nagpapalakas ng loob ko but now she's her.
"Okay. Ililibre mo ko sa Lomihan" naramdaman ko na lang na tumango siya..
Bago tuloyang magsimula ang laban ay nag shooting muna kami. Ititira ko na ang bola ng maramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko.
Nilingon ko iyon. Si Del Mundo. Nakangiti sa akin.. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Papansin ah.
"I still remember what you've said the last time we talk." inaalala ko naman ang sinabi ko nun
"That i will beat you?"
"Yah. I'm looking forward for that Ms. MVP" nanghahamon na saad niya then she smirked.
Natawa ako ng mahina. Akalain mo nga naman.. With that angelic face? May maangas din pala siyang side. I like it.
"Wait for it." nakangising sagot ko rin sa kanya.
Nagkibit balikat lang sya. She smiled sweetly and walked away.
Sinundan ko siya ng tingin bago tumalikod.."Fuck! You startled me.." gulat na saad ko dahil nasa harap ko na pala si Shana.
Nakataas ang kilay nito at nakatitig ng masama sa akin. Eh?
Tapos tumalikod na siya sakin.

BINABASA MO ANG
Match Found
Fiksi PenggemarJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...