34

915 54 89
                                    

Halos wala namang nagbago sa amin ni Shana. We still argue over silly things, shouting and annoyed with each other from time to time. But the good thing is, alam na namin kung ano kami sa isa't isa.

Di ko na need mag assume kasi malinaw ng special kami sa isa't isa.
Nalinaw nya na rin ang tungkol sa kanila ni Achi. Gagong yun! Hindi naman pala naging sila ni Shana.

Sabi nga ni Shana sakin "Hindi madaling bolahin ang mga probinsyana"

Yung sinabi niyang gusto niya si Achi palabas niya lang pala yun para hindi daw ako mailang sa kanya.
Hindi naman ako naiilang sa kanya eh.

Pero simula ng maging kami, That was February 14!! Valentines day.. Never pa kaming naging intimate sa isa't isa.

Di kami tulad ng ibang couple na naghoholding hands or kiss.. Wala! Never pa! Ano na ba ngayon? Mag-April na! Kahit nung monthsary namin, walang ganon!

Gumala lang kami sa mall nun. Nanuod ng sine at kumain sa labas.

Siguro iisipin nyo boring nuh? Paano naging boring eh lagi kaming nagbabangayan! Haha
Magaling na siya mag-ML guys kaya minsan tinatrash talk niya na ako! Pero kadalasan yung kalaban tinatrash talk naming dalawa hahaha

We're like Bestfriend but more than that. We're exclusive for each other kahit kaming dalawa lang nakakaalam.

Wala kaming ibang pinagsabihan kasi sabi nga nila kapag maraming nakaka-alam, marami ding makiki-alam.

We're happy and contented naman dahil masyado pa rin kaming bata. We don't need to pressure ourself. Marami pa rin kaming pangarap na dapat tuparin kaya chill lang kami.

"Kapag yan na-shoot mo. Lilibre kita sa Lomihan!" saad ko sa kanya. We're practicing together kasi. Nasa routine na din namin. Kasama na sa bonding namin.

"Ano mangyayari kapag sumablay ako?" tanong nya

"Edi, ikaw manlilibre sakin! Haha" ganyan lang kami lagi. Pustahan ng pustahan pero lagi namang walang natatalo samin dahil parehas naman kaming panalo sa choices.

Payo ko sa inyo ha? Gawin nyo rin sa crush nyo yan. Makipag pustahan kayo na ililibre mo siya sa labas kapag nanalo tapos kapag natalo, siya manlilibre hahahaha It's instant date kahit sinong manalo.

Naghanda siya sa three points lang at tumira ng jumpshot. Hindi na ako tumingin sa ring. Sa kanya lang ako nakatingin then i heard a swosh on the net and a 'Yes!' From Shana.

"Panis! Swak na swak! Hahaha" pagyayabang niya sakin.

Yan ang isa sa na-improve niya.. Hindi yung pagyayabang ha? Kundi yung shooting skills niya. Ang galing niya ng magshoot kahit saan pumwesto.

Sa October pa ang IUAAP pero feeling ko handang handa na kami ni Shana.
Sana lang ay madagdagan pa kami ng magaling sa team.

"Sus! Tsamba!" pang-aasar ko sa kanya

"Di nuh! Lilibre mo ko.." ani niya habang nalapit sakin.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palapit sakin.. Mabilis niya naman akong kinulong sa bisig niya..

Alam mo yung pawisan kaming dalawa pero ang komportable pa rin? Tsaka ang bango ko pa rin at niya.

"Sarap naman ng yakap ng Maya ko.." lambing niya sakin..

Why it so good to hear Maya ko?

"Kasama na ba sa drills yan?" napabitaw kaming dalawa at napaharap sa masungit na boses na nagsalita mula sa likod.

"Ate.." mahinang tawag ko dito

"I want to invite you tomorrow.. Family dinner. It's my birthday."

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon