21

840 54 250
                                    

While driving pauwi sa flat namin ay biglang nagsisigaw si Shana at may tinuturo sa labas.

"Maya! Maya! Maya!!" agad kong hininto ang sasaktan at tinignan ang tinuturo nya.

Mga street food vendors ang mga ito at nagbebenta ng mga fishball, kikiam at kwek kwek.

"Anak ka naman ng nanay mo eh!! Bakit ka nang-gugulat? Paano kung hindi ko na-kontrol ang manibela at nabunggo tayo?!" pagalit ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy sa paghalungkat ng bag niya..

"Maya.. Hindi ko mahanap wallet ko." nakatingin siya sakin na parang asong nagpapaawa.. Hays

Kinuha ko ang wallet ko at inabot sa kanya..

"Sige na.. Bumili ka na dun." masaya siyang bumaba ng kotse at pumunta sa mga nagbebenta.

Pinatay ko muna ang sasakyan at sumunod sa kanya..

Habang naghihintay ng maluluto may dalawang bata na lumapit sa amin at namalimos.

"Hala. Hindi sa akin ito eh.." binuksan niya pa ang wallet ko at tumingin sa akin..

"Ano?!" masungit na tanong ko

"Pautang ako bente. Babayaran kita sa flat.." hindi nya hinintay ang sagot ko at binigyan ng tig-sampu ang dalawang bata.

Masayang umalis ang dalawang bata at nag-umpisa ng magturo si Shana ng mga kakainin nya. Ang daming kwek kwek at kikiam ang binili niya.

"Uy! May isang token ka pa pala dito oh.." nakita niya sa wallet ko yung token na natira nung mag-date kami.

"Paki-alamera ka talaga! Bayaran mo na yan." utos ko sa kanya.

Nainitan naman ako kaya bumalik na ako sa kotse.. Nagchecheck ako ng cellphone ng bumukas ang shotgun seat at pumasok si Shana..

"Hoy!! Bakit pinasok mo yan dito?! Mangangamoy suka ang kotse ko!"

"Di naman ah! Mainit kasi sa labas.." sagot nya at sinimulan ng lantakan ang kwek kwek..

"Nakakainis ka na talaga!" reklamo ko at binuksan na lang ang bintana ng kotse para sumingaw ang amoy.

"Hehehe di mo naman ako natitiis.." masaya niya pang turan.

"Subuan na lang kita.." alok niya sakin at tumusok ng kwek kwek. "Oh.. Ahh ka na." utos niya habang sinusubo sakin ang kwek kwek.

Ako pa ba magpapabebe? Edi, sinubo ko yung binigay niya..
Pucha! Ang init!

Hindi ko alam ang gagawin ko sa kwek kwek. Kung lulunukin ko ba o idudura pero sa huli ay kinaya ko na lang na nguyain iyon hanggang malunok ko.

"Di mo naman sinabi na umuusok pa pala iyon!" pagalit ko sa kanya pero ngumisi lang siya at uminom sa gulaman niya..

"Oh. Gusto mo pa.." subo nya naman sakin ng kikiam..

Tinitigan ko muna iyon kung mainit pa ba pero para hindi na kaya sinubo ko na rin..
Masarap siya. Masarap ang sauce niya.. Sweet.

Tahimik na kaming kumain ni Shana ng mga binili niya sa kotse. Sinusubuan niya lang ako kasi sabi nya baka daw ubusan ko siya.
Kayang kaya ko bilhin ang buong tinda ni Ate! Pero syempre di ako tumanggi sa gusto niya.

Nang matapos kami kumain ay naisip kong dumaan sa bahay namin kaso kasama ko si Shana.. Baka masaksihan niya lang kung ano kami sa bahay kaya dumiritso na kami sa flat.

Wala kaming nadatnan sa flat, nagsi-uwian din kasi sila.

"Mayaa..." malambing na tawag sakin ni Shana at naupo na naman sa kama ko..

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon