09

962 53 43
                                    

KAORI JANELLA OINUMA #23

"Oinuma!" narinig kong tinawag ako ni Coach kaya agad akong lumapit. Inipit ko lang sa bewang ko ang hawak kong bola.

"Ano masasabi mo sa mga ka-teammates mo?" pinagmasdan ko sila.. First day of back to training ngayon.

"Honestly Coach? Tingnan mo mga dribble nila.. Madaling maaagawan.. Yung pasa nila sobrang predictable at mabagal. Easy steal coach! Tapos yung shooting nila ang bagal din ng release at walang pulso.. Dehado coach! Hindi sila physically ready.. Si Pilones lang maganda ang pangangatawan kaso walang ka alam alam. Ekis din!" napatango tango naman si Coach sakin na parang sumasang-ayon siya sa lahat ng sinasabi ko.

"Lalapit sayo si Pilones. Magpapaturo siya sayo." kumunot noo ko sa sinabi nya..

"Coach, mahihirapan ako dyan! Kila ate Alyssa nga na kahit papaano marunong, nahihirapan ako! Kay Pilones pa ba?" naiiling na sagot ko..

"Sinong mas madaling turuan mag-cellphone? Yung batang 4 years old o yung mommy mo?" naalala ko naman nung buhay si Mommy at bagong labas pa lang ang mga cellphone.

Halos mag-away kami dahil hirap na hirap akong turuan siya. Daig pa siya ng batang pamangkin..

Mahina akong natawa ng maisip ko..

"4 years old Coach.." sagot ko dito

"Tama! Mas madaling turuan ang walang alam kaysa sa may alam na. Marami silang maling antics na hindi na basta basta mababago, matigas na rin ang ulo. Hindi katulad ng walang alam, kung ano sabihin mo papaniwalaan niya. Kahit anong ituro mo susundin niya.." napaisip ako sa sinabi ni Coach at napatingin kay Shana na nagdridribble, gumulong pa palayo sa kanya ang bola dahil di siya marunong.

"Ikaw ang bagay na magturo kay Pilones.. Sasabay siya sa laro na gusto mo."

                                                                      
                                                                     
                                                                     
                                                                 
                                                                    
                                                                   
                                                                   
                                                                    
                                                                     

(PUSO by Spongecola - Match Found OST)

"Ayosin mo! Lower your back.." utos ko sa kanya..

Center ang position niya. Kung tutuusin ay di nya kailangan maging magaling mag dribble pero dapat nyang matutunan pa rin.

"Wag mong tignan ang bola.. Sa akin ka lang tumingin." pumwesto ako sa harap niya habang dinidribble niya sa kaliwang kamay ang bola.

"Pakiramdaman mo lang ang talbog ng bola.. Susundot ako, ilipat mo sa kabila ang bola.." pagkasabi ko nun ay sumundot ako sa bola at mabilis niyang nilipat sa kabilang kamay ang bola..

"Yes!!" malakas na sigaw nya ng di ko maagaw ang bola.

Kanina pa kami nag-prapractice sa dribble niya.. Pagkatapos ng ilang daang subok ay ngayon niya lang nagawa ang gusto kong ipagawa.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon