04

1K 58 55
                                    

JILLIAN SHANE PILONES #11

"May nagvivibrate.." saad ni Kyzha ng niyakap niya ako..

Dinukot ko ang cellphone ko. Nakaramdam ako ng kaba ng makitang si Coach Sol ang nag text.

"When people keep telling you that you can’t do a thing, you kind of like to try it." yun ang una nyang text "I'm expecting to see you tomorrow Pilones. I believe in you"

Napahinto ako ng mabasa iyon..

I believe in you..

"Ke.." mahinang tawag ko dito.. Sinilip niya ang text sakin ni Coach..

Pagkatapos nya mabasa ay kinaladkad niya na ako palabas ng airport.. Naglaglag pa ang isang strap ng bag ko sa balikat sa paghatak niya..

"Hindi ka uuwi!! Mag-tatry out ka bukas!" pinal na saad niya..

Nakatulala lang ako at di ko namamalayan na nakasakay na pala kami ng Jeep pauwi..

"Ke! Yung flight ko!" saad ko ng matauhan

"I-rere-sched na lang natin. Kailangan mo mag-try out bukas! Wag mo na pag-isipan pa, Je! Naniniwala ako sayo at naniniwala din sayo ang coach mo.."

Ate! Ang galing mo! Narinig ko pa ang sinabi sakin ng bata sa court.

Naalala ko din ang ngiti sakin ni Jester. Ang kapatid kong lalaki, nangako ako sa kanya na bibilhan ko siya ng sapatos bago ako umalis.

Yung ngiti ni Inay at Itay na nagsasabing sakin nakasalalay ang kinabukasan naming pamilya.

Hindi ko sila dapat biguin.

                                                                      
                                                 
                                                                       
.

"ITIRA MO NA!!" nagulat pa ako na nasa kamay ko ang bola isabay pa ang pagsigaw ni hambog.

Natataranta akong binato pataas ang bola.. Pakiramdam ko nag-slowmo iyon pataas dire-diretso ang tama sa ibaba ng ring kaya agad bumalik sa akin ang bola at tumama sa ulo ko..

Aray..

Napahawak ako sa ulo ko habang nakasalampak sa sahig.
Nilapitan ako ni hambog at naupo sa hangin sa tapat ko at tinitigan ako..

"Tanga." basta na lang siya tumakbo papunta sa kabilang court pagkatapos sabihin yun.

Argh!! Nakaka-inis! Akala ko naman tutulongan niya ako.

Tumayo na lang rin ako at bumalik sa depensa.. Hindi ko inalis ang paningin ko sa binabantayan ko..

Tumira ang isa sa kalaban namin. Sumablay iyon! Napanuod ko kapag may basketball sa barangay namin kailangan kunin ang bola.. Kaya inabangan ko saan tatalbog ang bola, pababa na ito at handa ko ng saluhin ng biglang may tumulak sakin sa likuran.

Nakuha niya ang bola at shinoot.

Naka-score na naman ang kalaban..

Muli na namang lumapit sa akin si hambog.

"Get the rebound! If you need to die just to get the ball then die for it!!"

HANO DAW??

Bakit naman ako papakamatay para lang sa pesteng bola?! Mahal ko buhay ko at kailangan pa ako ng pamilya ko. Tsk.

Tumakbo na ulit ako pababa ng court namin..

Natapos ang laro namin na puro lang ako takbo. Hindi kasi ako pinapasahan ng bola ng mga kasama ko. Hindi rin ako nakakakuha ng rebound kasi nanunulak sila. Nakakainis!

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon