Nasa istasyon ako ng bus at naghihintay na pakaakyatin kami sa loob. Papunta ako ngayon ng airport para umuwi ng GenSan. Nilapag ko muna sa tabi ko ang malaking bag na bitbit ko..
Pumikit ako saglit at sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan na nakatulog ako..
"Ate.." nakarinig ako ng boses ng isang babae na gumigising sakin.
"Po?" inaantok na turan ko..
"Nakatulog ka kasi.. Wag kang matulog dito, maraming magnanakaw!" sa sinabi niya ay bigla akong kinabahan..
"Na-nasaan yung bag ko??" gulat na tanong ko sa kanya.. Nawawala ang bag ko! Tumayo ako at tinignan sa paligid pero wala..
Nakita ko siyang nakatingala sakin..
"Ang tangkad mo.." namamanghang saad niya pero wala na akong oras para dun.
NAWAWALA ANG BAG KO!! Paano ako makakauwi sa amin?!
"Ano ba itsura ng bag mo? Naku! Nang lumapit ako sayo, wala kang gamit.." kinapa ko ang bulsa ko.. Andito pa ang cellphone ko at coin purse na may lamang 500 pesos pero hindi yun sapat pauwi! Yung ticket ko sa eroplano nasa bag ko!
"Kulay itim yun na backpack.." naiiyak na sagot ko sa kanya.. Nakakakuha na rin ako ng atensyon dahil sa ginagawa kong paghahanap.
"Naku.. Mukang nasalisihan ka.. Taga saan ka ba?" lalo akong nanghina sa sinabi niya kaya napaupo ako.
Wala namang mahalaga dun maliban sa damit ko at plane ticket! Wala naman silang mapapala dun tapos ninakaw pa.
"GenSan" tipid na sagot ko sa babae.
"Paano ka uuwi?" nag-aalalang tanong nya..
Napasapo ako sa muka ko habang pinipigilan umiyak.
Paano na nga ba? Mag-aalala sakin sila Inay kapag hindi ako nakauwi. Inaasahan nilang makakauwi ako bukas."H-hindi ko alam." narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"May kamag-anak ka ba dito na pwede mong matuloyan muna?" napailing naman ako.
Ang malas ko naman! Puro kamalasan inaabot ko dito sa Manila. Bakit kasi nangarap pa akong makapag-aral sa Orion University. Masyado akong ilusyanada kaya pinaparusahan ako ngayon.
"Tawagan mo pamilya mo.." utos nya sakin.
Napatingin ako sa cellphone kong keypad.. Wala naman akong load
"Wala ka bang load? Gamitin mo itong cellphone ko.." inabot nya sakin ang cellphone nya na touchscreen..
Medyo namangha pa ako dun kasi di naman uso sa probinsya namin ang ganitong cellphone.. Yung mga nakaka-angat lang konti sa buhay ang may ganto samin at hindi kasama ang pamilya ko dun.
Nag-iisip ako kung tatawagan ko sila Inay kapag sinabi ko sa kanilang nanakawan ako at hindi makakauwi siguradong mag-aalala sila. Iisipin pa nila ang pamasahe ko pauwi.
Tapos ibabalita ko pa na hindi naman ako makakapasok dun sa basketball team. Hindi na talaga ako naasa. Tama ang sinabi ni hambog, hindi ako makukuha.
Napayuko ako. Hindi ko na alam gagawin ko kaya tuloyan na akong napaiyak..
"Uy.. Uy.. Wag kang umiyak.. Tutulongan kita." pang-aalo sakin ng babae pero nawawalan na ako ng pag-asa.
"Sshh.. Wag ka ng umiyak. Tutulongan kitang makauwi.." saad nya habang hinihagod ang likod ko. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko..
Tinitigan ko siya at ngumiti siya sakin..
"Wala din akong pera dito.. Pero pwede kitang patuloyin muna sa tinitirhan ko tapos may alam akong pwede mong pagtrabahohan. Babayaran ka dun na pwede mong iponin at gamitin pambili ng ticket pauwi."
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...