Gumaan ngayon ang oras ng training namin dahil di rin kami pwedeng mapagod ng sobra dahil every week ay may laro kami. Bumalik sa once a day ang training namin.
Mas naging mahigpit si Maya sa kinakain namin, exercise at pagtulog. Sabayan pa ng nalalapit na finals namin.
Hindi nga ako makapaniwala makakatapos na ako ng isang sem!
"Shana!!" napalingon ako kay Maya ng bigla niya akong tawagin.. Nagulat na lang ako ng makakita ng bola na papalapit sa akin, agad ko naman sinalo iyon.
Nakakainis talaga! Lagi niya akong ginaganyan lately.. Nambibigla pasa.
"Ano na naman trip mo?!" asik ko sa kanya. Tumatawa lang siya habang nailing at humiga sa kama niya. Binato ko pabalik sa kanya ang bola at walang hirap nya namang sinalo iyon at binato pataas at sinalo din.
"May laro tayo bukas.. Dapat maka-10pts ka! Kapag di ka naka-10 points mag-quit ka na sa team." seryosong saad nya..
"Huh? Ang daya naman! Paano kung hindi ako ipasok ni Coach? Tulad ng last game!" hindi kasi ako pinasok ni Coach last game.. Nanalo naman kami dun kaya 2-0 na standing namin.
"Problema mo na iyon! Basta dapat maka-10 points ka bukas." balewalang saad nya at pinagulong ang bola sa gilid.
Ethan Hodges College ang kalaban namin bukas at balita ko malalakas sila kaya baka di ako ipasok ni Coach. Ipapasok lang naman ako kapag tambak na siguro kalaban.
"Ang laki ng 10 points! Di ko kaya yun!" tinitigan nya ako ng masama sa sinabi ko..
"Kapag kaya ng iba, kaya mo rin! Don't limit yourself." pagalit nya sakin kaya napalabi na lang ako..
"Ang pangit mo talaga! Wag ka ngang ngumunguso!" napabusangot na lang ako sa sinabi niya..
"Yan! Better! Haha" nawala na ako sa mood mag-aral kaya nahiga na lang ako sa kama at nagcellphone.
Marunong na ako mag-facebook eh.
"ML tayo!" aya niya sakin.. ML yung nilalaro nya sa cellphone nya na laro kapag nakikipagdate siya sa sarili niya.
"Ayuko. Di ako marunong sagot ko sa kanya.."
"Tuturuan kita. Dali!" giit niya..
"Paano ba?" lumapit ako sa kanya at inabot ang cellphone ko na binili niya.
Habang may ginagawa siya sa phone ko ay nahiga na muna ako sa tabi niya..
"Usog!" sinunod nya naman yun..
"Oh.. Dyan ka muna mag facebook. Dinadownload ko pa eh.." abot nya sakin ng phone nya.
Nag scroll naman ako sa facebook niya. Ang yayaman ng mga friends nya. Tapos puro post ni Gian nakikita ko, mga jokes pinupost nya.
Tapos puro tungkol na sa basketball mga nasa news feed nya. Wala pa ata sa 100 ang friends nya. Naunahan ko pa siya pero dami niyang friend request.
"Dapat ina-accept mo mga friend request" saad ko sa kanya
"Di ko naman kilala mga yan.." sa pag-scroll ko ng mga friend request sa kanya ay nakita ko si Achi.
"Uy! Si Achi nagsend ng friend request sayo oh! Kilala mo naman siya diba?"
"Oo. Yung tukmol na dikit ng dikit sayo.."
"Bakit tukmol? Uy, accept ko ha? Kilala mo naman ito.." sabi ko at pinindot na ang accept.
"Anak ng--! Bakit mo inaccept?! Ayuko maging kaibigan yun!"
Napanguso naman ako at humarap sa kanya..
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...
