KAORI JANELLA OINUMA #23
"Hahaha Jenn, dito!" nag totoothbrush ako habang pinapanuod si Shana na nakikipag laro sa bunsong kapatid nya na naglalaro ng bike..
This past few days ay ganito lang kami. Magka-video call buong araw hanggang matulog.
Wala kasi akong ginagawa dito sa bahay sa bahay at tinatawagan ko si Shana para malibang ako.Nakakatuwa sila dun. Bago magpasko ay parang nagkaroon ng fiesta sa kanila.
They are playing habolan ng biik, bibe sa putikan then ang makakahuli at iuuwi para maging handa din sa pasko. Which they are exchanging of foods naman.Ang saya saya.. Pakiramdam ko kasama ko sila dun. While dito naman sa bahay we just ate together. Exchanging gifts. Binigyan lang ako ng gift check ni Daddy haha si Ate naman binigyan niya ako ng sweater! Ang saya saya ko kasi favorite ko yung kulay eh. Pastel pink!
Then inaaya ako minsan nila Karina, Gian at Tan sa mga party. Sumama naman ako pero tuloy pa rin kami sa pag-uusap ni Shana kapag ganon.
Inaasar nga ako nila Karina pero binabalewala ko na lang sila dahil wala lang naman yun..
Pero kahit araw araw kami nag-uusap ni Shana namimiss ko pa rin siya. Excited na nga akong bumalik siya dito sa Manila kaso one week pa yun eh.
Tonight is a New Year's Eve.
Nainom ako ng chocolate drink habang nakatambay dito sa balcony namin.
I'm waiting for our yaya na tawagin ako para sabihing andyan na si Dad.
She went out kasi may emergency problem daw sa work."Bakit di mo tawagin Ate mo?" tanong sakin ni Shana. Nakwento ko na rin sa kanya na hindi talaga kami close ni ate. Na ang totoo ay hindi niya ako kinakausap.
Nang una ay hindi pa naniniwala si Shana but nung isang araw while i'm talking with her biglang dumaan si Ate and i called her pero di niya ako pinansin.
"I told you, she don't want to bond with me"
"Hindi yan.. Diba gumawa ka ng lumpia kanina? Ipatikim mo sa kanya. Sigurado ako magugustohan niya yun!" pamimilit nito.
Gumawa kasi siya ng lumpia kanina and since wala akong magawa sinabayan ko siya, gumawa din ako ng sakin. Hehe
"Are you sure she'll like that?"
"Oo naman! Walang nakakatanggi sa lumpiang shanghai! Hehe" proud na saad niya.
Tumayo na ako at pumuntang kusina.
Kumuha ako ng platito at naglagay ng limang lumpia dun."Lagyan mo ng suka na may sili!" utos niya sakin na sinunod ko.
Kinakabahan akong kumatok sa pinto ni Ate.
Mabilis niya itong binuksan tumitig sa dala ko..
"You want, ate? Ako nagluto nito." nakangiting saad ko
"Busog pa ako."
"Sabihin mo tikman niya.. Nakakaganda!" saad ni Shana.. Buti na lang naka earphone ako.
"Nakakaganda ito, Ate!"
Tinitigan niya naman ako ng mariin.
"Pinagloloko mo ba ako?" seryosong tanong nito kaya napakamot ako sa ulo. Bakit ba kasi nakinig ako sa kalokohan ni Shana!
"Hindi Ate.. Gusto ko lang tikman mo" mahinang saad ko
"Sino yan? Girlfriend mo?" nguso nya sa cellphone ko.. Magka videocall pa rin kasi kami ni Shana.
"Ha? Hindi ate. S-si Jillian yan, Ate! Teammate ko. Diba? Nakita mo na siya?" natatarantang saad ko
"Grabe sa teammate di man lang kaibigan?!" narinig ko pang maktol nito
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...