36

895 51 68
                                    

Nagising akong nakapulupot sakin ang braso ni Maya at nakasiksik pa ang muka sa leeg ko. Jusko! Tapos naririnig ko si Inay sa labas na nagluluto na ata..

Kitang kita niya ang posisyon namin ni Maya kung ganon..

Tinulak ko siya ng mahina palayo sakin pero umungol lang siya at lalo akong siniksik.

"Maya, babangon na ako."

"Uhhh.. Stay for a moment" inaantok na sagot nito.

Ang sarap nga naman ng yakap niya pero mabubuking na talaga kami ni Inay. Kulang na lang pumatong na siya sakin eh!

"Umayos ka, Maya. Sobra na yan" pagalit ko sa kanya

"When it comes to you, there's no too much.." bulong niya sakin

Nabawi ata siya sa mga pantitrip niya sakin ng mga nakaraan..

"Bangon ka na, jogging tayo. Tayong dalawa lang. Bilis habang tulog pa si Jester" bulong ko sa kanya.

"Sige!" masigla ng sagot niya

                                                               
 
"Inay, mag-jogging na po kami" paalam ko kay Inay. Sumulyap lang siya samin at tumango.

"Oh.." abot sakin ni Maya ng left earphone nya. Wireless kasi ito. "Tig-isa tayo." nakangiting sagot niya.

"Ako pipili ng kanta!" saad ko. Hindi naman siya kumontra, inabot nya lang sakin ang cellphone niya.

Loyal sa akin yan si Maya kasi ni register nya ang finger print ko sa phone niya. Ibig sabihin wala siyang tinatago sakin.

Dahil ako ang namili isang kanta lang naman pinapatugtog ko ng paulit ulit. Yung 'At My Worst' hehe

Nang medyo mapagod ay naupo muna kami sa isang malaking bato sa gilid ng puno.. Pasikat pa lang ang araw kaya medyo madilim pa..

"Wala kang balak palitan?" tanong nito

"Wala! Ganyan kasi ako, kapag may gusto ako.. Yun lang! Kaya ang swerte mo sakin Maya. Kasi promise ko sayo, ikaw lang talaga." kinurot pisngi ko ng mahina. Ganyan yan maglambing eh! Mapanakit

"Wala kang ibang kaagaw sakin, Shana maliban sa bola ng basketball! Hahaha"

"Sus. Wala daw. Dami dami mong fans, idagdag mo pa kapatid ko!" nakanguso ng sagot ko.

"Stop pouting or i will kiss you.." napaiwas naman ako ng tingin sa kanya ng maalala ko yung nangyari kagabi.

Grabe lang yun! Muntik pa kaming mahuli ni Inay.

"Oh? Bakit ka namumula?" asar nya sakin habang tinuturo ang muka ko

"Pagod lang ako, Maya! Wag kang nag-iisip ng kung ano. Di ka lang mayabang eh. Assuming pa!"

"Ang dami mo naman agad sinabi.. Is that a sign of being defensive? Haha" lakas talaga mang-asar nito eh! Bawian ko kaya?

"Defensive mo muka mo!" asik ko sa kanya at tumayo na..

Mabilis niya naman akong hinila at pinapaupo sa kandungan nya.. Mabilis din akong tumayo kasabay ng paghalakhak niya..

"Naiilang ka pa rin sakin? Haha" tanong nya

Ih. Nakakailang naman talaga! Siya kaya first ko. Hindi ako sanay sa mga ganyan ganyan ay!
Kapag nanunuod nga ako ng pelikula at nasa eksena na maghahalikan na ang mga bida naiwas pa ako ng tingin o magtatakip ng mata.

Pero oo nga! Nagkiss kami kagabi. Hindi lang simpleng kiss yun. Malalim yun. Gosh!

"You're blushing, Pilones! Haha" tudyo nya pa rin sakin..

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon