Nang makapasok kaagad sa sala nagwala si Ramon habang nakayuko lang sa isang tabi ang secretary niya.
Naka-krus ang mga brasong sumilip mula sa entrada ng dining area si Yula na may ngisi sa mga labi.
'Ganiyan nga, magwala ka.'
Ngising tagumpay na turan niya sa isipan tsaka ito lumabas sa pinagtataguan.
"Diyos ko. Ano bang nangyayari?"
Pagkunwaring gulat sa nadatnan.
Basag ang iilang vase, ang salamin ng cabinet, pati narin ang glass center table. Binalingan niya ang asawa na nakatalikod sakaniya at panay taas-baba ng mga balikat nito.
Tumaas ang isang kilay niya ng makita ang dumudugong kamay nito na may hawak ng golf stick. Umarte siyang napasinghap sabay takip ng bibig. Lumapit siya sa bandang gilid ng asawa.
"H-honey, may sugat ka."
Kunwaring pag-aalala niya at hinawakan ang dumudugong kamay ng asawa pero mabilis din nitong binawi ang kamay mula sakaniya.
"Bwisit!"
Sigaw ng ginoo sabay tapon kung saan ng golf stick. Humahangos pa din ito at napamewang trying to calm himself.
"That lousy punk. Talagang sinasagad na niya ako. Wala siyang respeto, ako ang ama niya!"
Anito habang taas-baba ang dibdib. Lumapit ulit si Yula sakaniya at hinawakan siya sa balikat.
"Wala akong alam sa nangyari pero Honey, please kumalma ka muna. Alalahanin mo ang puso mo."
Ani Yula na siyang unti-unti namang kinakalma ni Ramon at napatungo. Pasimple siyang ngumisi.
Bilang asawa, alam ni Yula na may dinadamdam ng sakit ang asawa niya but instead of using his illness for her revenge hindi niya magagawa.
Brutal mang namatay sa pamumuno nito ang mga magulang niya kailan man ay hindi niya tutularan ang ginawa nito. She can get revenge without shedding blood.
Ang gusto lamang niya ay pagbayaran nito ang mga kasalanan na naaakay sa batas. She wish for Ramon Kazaki to die in prison at tuluyan silang makakalaya at makapagsimula ng kaniyang anak.
Magkatabi sa backseat sina Miko at Kilua habang si Tyler ang nagmamaneho.
Naging awkward para kay Miko ang pagiging magkalapit nila ni Kilua lalo na't hawak-hawak pa rin nito ang kaliwang kamay niya.
Napansin ni Kilua ang paninigas ng kamay ni Miko. Saglit niya itong nilingon tsaka napalunok sabay bitiw sa kamay nilang magkahawak.
Mabilis na binawi ni Miko ang kamay at pinatong iyon sa lap niya. Hindi niya maiwasang hindi mapakagat ng ibabang labi dahil sa nakakabinging katahimikan maliban lamang sa ugong ng kotse.
Nang makarating sila sa townhouse, nilingon niya pa ang dalawa na masinsinang nag-uusap sa tapat ng kotse habang siya ay nasa entrada na ng pinto.
Naka-upo lang siya sa sofa ng madinig ang pagbukas ng pinto kaagad siyang napatayo at humarap dun.
Nagkasalubong ang mga mata nila pero naunang umiwas si Kilua at sinara ang glass door.
"Sa ngayon dito ka muna."
He sighed as he put his hands inside his pants pockets standing 2 meters away from Miko.
"Masyadong mainit ang ulo ni Dad, he might make you vanish once he sees you again." anito.
Napatungo siya.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
