"Sir, hindi po namin mahanap si Ma'am."
His wife's bodyguard reported just as he pick the call. He grip a fist.
"Send me the CCTV footage, ngayon na."
Kilua instruct at maya't-maya lang ay chineck na niya ang footage and that's when he saw his wife used the backgate to escape.
Nahampas niya ang tablet sa mesa sabay tayo at muling di-nial ang tauhan niya.
"Track down that taxi at i-report sakin kung nasaan ang wife ko."
Matigas na utos ni Kilua at binaba ang cellphone na umuusok ang mukha sa galit.
"Miko!!!"
Sigaw niya sa sobrang galit.
Kasalukuyang nasa isang renthouse si Miko, naglalagay ng mga gamit sa malaking bag habang sa maliit naman ay ang malaking halaga ng pera at litrato ng mama niya.
Habang nasa biyahe si Kilua ay muling tumawag ang tauhan niya pero nasuntok niya lang ang pintuan ng kotse dahil sa binalita nitong hindi ma-locate ang asawa dahil nakapatay ang cellphone nito.
At ang huli ay inilagay ni Miko sa malaking bag ang pares ng stilletoes niya bago inilabas ang cellphone niya at huminga ng malalim bago ito in-on.
Hindi mapakaling naka-upo lang si Kilua sa kaniyang home office ng makabalik siya. Pumasok si Tyler bitbit ang ipod.
"Sir, na-locate na po namin si Ma'am."
Balita nito dahilan para mapatayo kaagad si Kilua.
"Nasaan siya?"
Bakas ang pagkasabik na tanong niya.
"Malapit po siya sa dagat, Sir."
Mabilis na kumilos si Kilua at sumunod naman si Tyler at ang iba pa niyang tauhan.
Kumakain si Miko na parang hinahanda ang sarili sa kung ano man ang mangyari. Kung sakaling magtatagumpay siya sa kaniyang pinaplano ay magiging malaya na siya.
Kasalukuyang nakasakay sa kotse si Kilua habang nakatitig lang sa location ni Miko.
Binaba niya yun ng hindi nagbabago ang location ng asawa.
Sandali lang ay inilabas niya ang kaniyang cellphone at may tinawagan.
"Magpadala ka ng mga tauhan sa location na sinend ko. Wala akong pakialam kung sino sila as long as they can get there soon." Kilua
Isang grupo ng mga kalalakihan ang nagsisakayan sa dalawang kotse para makarating sa location na inatas sakanila.
Lumabas na ng resthouse si Miko dala-dala ang malaking bag at tumungo sa tabi ng dagat kung saan mabato at malakas ang hampas ng alon.
"How did it go?"
Tanong ni Kilua sa kabilang linya.
"If you find her, keep her there unharmed."
At binaba na ang tawag.Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa asawa at takot na may mangyari dito ng masama. Hindi siya mapakali.
Ibinaba na niya ang bag, inilabas ang pares ng stilletoes at ang cellphone niya tsaka tumayo habang nakatanaw sa palubog na araw. Walang emosiyon.

BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...