Nang makalabas ng building sina Kilua ay siya namang kinahinto niya at napatingin sa katabing building kung saan nagtatrabaho si Jonas. Naisipan niyang puntahan ito.
Samantala sa gallery, pagkasara ng elevator na sinakyan nina Kilua ay siyang paglambot ng mga tuhod ni Miko at parang kinapos ng hininga na tinahak ang office.
Napakapit pa siya sa ibabaw ng mesa at bumagsak sa pagkaka-upo habang nanginginig sa sobrang kaba kaya napapikit nalang siya.
Sa kabilang banda...
"Halah! Nagkaka-wrinkles na ako. Kailangan ko na ng tulong ni Dr. Richie."
Reklamo ng babaeng nurse habang nakaharap sa hawak na salamin at ini-examine ang mukha.
"Kalokohan. Huwag mong gagalawin iyang mukha mo."
Sabi ng lalaking nurse sakaniya habang nakasandal sa counter table.
"Dr. Richie."
Tawag ng nurse na nasa counter kaya nabahala naman ang dalawa.
Tinanguan lang sila ni Richie at diretso ang lakad ng may na-isip siyang itanong kaya humarap siya sa dalawang nurse.
"Ah. Si Dr. Jonas ba, may ginawang operation nang hindi ko nalalaman?"
Aniya ng magtinginan ang dalawa at sabay pa umiling tsaka mabilis umalis sa harapan niya.
Napangiwi si Richie dahil sa inakto ng dalawa at akmang aalis ng makasalubong niya mismo si Kilua at ang secretary nito.
Natigilan pa si Richie ng ilang segundo ng maalala niya ang favor ni Jonas.
"Dr. Richie Mentel."
Basa ni Kilua sa nameplate nito na naka-attach sakaniyang whitegown.
"Mr. Kilua Kazaki."
Banggit din ni Richie sa buong pangalan nito.
"So, kilala mo rin pala ako."
Natawang sabi ni Kilua na kinataka ni Richie pero nagawa paring umakto ng maayos.
"Mukhang ganun na nga. Madalas kang lumalabas sa TV. Sino ba ang sadya mo dito?"
Tanong ni Richie.
Napatayo naman si Kilua ng tuwid at ang nakakalokong ngiti ay nawala sa mukha niya.
"Si Dr. Jonas, gusto ko siyang maka-usap." Kilua
"Ah. Si Jonas. Wala pa siya rito, siguro mamaya pa siya papasok." Richie
"Isa ka sa malapit na kaibigan ni Dr. Jonas, tama ba ako?"
Mapanuring tingin ni Kilua kay Richie.
"Magkaibigan kami simula college--" Richie
"Pwede ba kitang maka-usap?"
Putol niya sa iba pang sasabihin ng lalaki at binigyan ito ng isang makahulugang ngisi na tiyak hindi nito nakuha.
"Pero sir--"
Sabat ng secretary ni Kilua pero naputol ng itaas ni Kilua ang kanang kamay bilang senyales.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
