Chapter40

29 4 0
                                    

Trauma ng hindi kaaya-ayang pangyayari ang kinakaharap ni Kilua. Nakita niya kung paano mismo bumagsak ang kaniyang ina, kung paano dumaloy palabas sa katawan nito ang pulang likido.

Kung paano namatay ang kaniyang ina sa harapan niya kasabay ng pagkulog at kidlat nung gabing iyon.

Tumatak iyon sa isipan niya kaya sa tuwing uulan kasabay ng pagkulog at kidlat, naaalala niya lamang ang kahindig-hindig na pangyayaring iyon.

Sa gitna ng takot, sa sakit na dulot ng nakaraan may dalawang brasong pumulupot sa katawan niya.

Marahan itong nakayakap sakaniya habang marahang tinatapik ang kaniyang likod na siyang nagbigay sakaniya ng isang pamilyar na pakiramdam.

Isang imahe lang ang pumasok sa isipan niya. Hindi man niya tignan alam niya, ramdam niya... ang taong akap siya ngayon ay ang kaisa-isang tao lang na tanging nagpapakalma sakaniya... ang wife niya.

Dahil ito lang ang tanging gamot niya sa tuwing umaatake ang trauma niya.

Mabilis niyang yinapos ng yakap ang maliit nitong bewang at sumiksik sa pagitan ng dibdib nito. Nanginginig pa din siya kaya parang isang sanggol na hinaplos-haplos ni Miko ang malambot na buhok ni Kilua.

Nawala ang takot niya sa asawa, hindi niya rin masagap sa pagkakataong ito ang galit at pagkasuklam niya rito.

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa tumigil na ang kulog at kidlat at tanging marahan lamang na pag-ulan. Madaling araw na rin at nakatulog nalang si Kilua sa bisig ni Miko.

Inalalayan niya ito pahiga sa kama at kinumutan ng mapadpad ang palad niya sa noo nito. Napakagat siya sa labi ng mapagtantong nilalagnat ito kaya nagmadali siyang lumabas at pagbalik niya sa kwarto ay may dala na siyang maaligamgam na tubig at bimpo.

Pinunasan niya ang mukha, leeg, braso, at kamay ni Kilua. Sinuotan niya rin ito ng medyas sa mga paa tsaka hininaan ang aircon.




Nagising si Kilua ng medyo nakaramdam ng pagkirot ng sintido niya. Hihilutin niya sana iyon ng kaniyang kanang kamay ng may pumipigil doon kaya nilingon niya ito. Biglang nawala ang pagka-kunot ng noo niya ng makita si Miko na nakahilig ang ulo sa kama habang naka-upo sa silya.

Marahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga at pinagkatitigan ang asawa. Hawak nito ang kamay niya kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero masaya siya... dahil nandito ang wife niya. He feels like home.

Gumalaw ito kaya nataranta siya. Bumalik siya sa pagkakahiga at ipinikit ang mga mata, nagkunwaring tulog pa rin.

Nang magising si Miko kaagad niyang inabot ang kamay sa noo ni Kilua, chineck kung mainit pa ito. Napatikom siya ng mga labi ng hindi pa din bumababa ang lagnat nito. Bumalik siya sa pagkaka-upo tsaka napabuntong-hinga at tumingin sa wall clock.

"Hindi pa din siya nakaka-inom ng gamot niya."

Turan niya tsaka lang napansin ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay nito. Aalisin na niya sana ang kamay ng mabilis naman nitong hinawakan iyon kaya lumipat ang tingin niya rito.

"Huwag kang umalis..."

Kilua uttered halata ang panghihina sa boses niya. Saglit nagulat si Miko pero ng makita ang matamlay nitong mga mata parang bigla siyang nanlambot.





They have they're breakfast on bed. Hindi siya hinayaang bumaba sa kusina ni Kilua sa dahilan nitong kailangan niya ring magpahinga dahil sa nangyari kahapon. Wala siyang sapat na tulog dahil binantayan niya buong magdamag ang asawa.

MaidenSeries: Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon