Maagang nagtungo si Kilua sa Art Gallery para maka-usap mismo ng personal ang director nito na si Samantha.
Nang makababa siya ng kotse ay nag-signal lang siya sakaniyang driver na huwag ng sumunod.
Kakarating lang rin ni Jonas at natanaw si Kilua papasok ng Art Gallery. Kumunot ang kaniyang noo sa kung anong pinunta ulit nito sa gallery. At ng ma-isip na maaring magtanong ito sa mga employee nila ay nagmadali siyang sundan ito.
Nang nasa gallery hall na si Kilua ay kaagad siya nilapitan ng isang employee na nag-aayos ng papers sa table.
"Ano pong kailangan nila?"
Tanong nito kay Kilua na nakatalikod sakaniya at palakad na nakatingin sa mga nakasabit na paintings kaya sunod naman ng sunod ang babae.
"Nasaan ang director dito?"
Hindi niya sinagot ang babae sahalip ay tinanong niya ito habang nasa mga naka-display na paintings ang atensiyon.
"Ah, male-late daw po si vice-director ngayong araw---"
"Nandito ako para makita si Ms. Samantha Rodrigo."
Pagputol niya sa babae bago ito harapin.
"Ah, kasi po--" Nag-aalangang sagot ng babae.
"Wala dito ang girlfriend ko."
Pag-agaw ni Jonas ng atensiyon ng dalawa.
Natuon naman ang tingin ni Kilua sa direksiyon ni Jonas tsaka natatawang ngumisi habang humahakbang palapit dito at umalis na rin ang babae kanina.
"Tingnan mo nga naman."
Ani Kilua habang palapit rin si Jonas sakaniya.
"Palagi ka nalang sumusulpot kapag gusto kong maka-usap ang girlfriend mo."
Anito na napataas pa ng kilay.
"Mr. Kazaki"
Saad ni Jonas na muling kinangisi ni Kilua dahil hindi niya inasahan na kilala na siya nito.
"Ah. Pasensya na. I didn't get to introduce myself yet."
Ani Kilua at inilahad ang kanang kamay for handshake pero tinapunan lang iyon ng tingin ni Jonas.
"Nakikita kita sa mga balita kaya hindi na kailangan."
Turan ni Jonas kaya binawi lang din ni Kilua ang kamay at pinasok sa bulsa ng pants niya.
"Nga pala, sino nga ulit ang hinahanap mo?"
Tanong ni Jonas.
"Kung may kailangan ka sakin ka nalang magtanong."
Dugtong pa niya which makes Kilua smirked.
"Sa tingin ko wala ka namang intensiyon na sagutin ang mga katanungan ko."
Sabat naman ni Kilua.
"Mali ba ako?"
Dagdag pa niya ng hindi siya kibuin ng lalaki sahalip ay nakatingin lang ito ng diretso sakaniya.
"Kung iyan ang iniisip mo, tigilan mo na ang pagpunta rito."
Sabi ni Jonas na kina ngisi pa lalo ni Kilua.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
