Pabalik si Kilua sa syudad sakay ng kotse. Tinawagan niya si Aira para ipa-test ang fingerprints ni Miko at ang inaakala nilang si Samantha saka niya binaba ang tawag at muling may tinawagan habang nakatiimbagang.
Kakatapos lang ilapag ni Miko ang mga pagkain sa lamesa ng may biglang tumawag sa phone niya na nakapatong rin doon.
Unregistered ang number kaya nagdalawang isip si Miko na sagutin pero sa huli ay sinagot niya rin.
"Sino, toh?" tanong niya sa kabilang linya pero matagal bago ito sumagot. Kaya ng ibababa na sana ni Miko ay siyang pagtayo nalang ng mga balahibo niya sa katawan.
"Miko, sinabi ko naman sayo. Mahahanap at mahahanap pa rin kita kahit saan kaman magtago--" hindi na pinatapos ni Miko at binaba na kaagad ang tawag.
Nagsimula ulit siyang kabahan kaya nagmadali siyang umalis para puntahan si Jonas sa clinic nito.
Sa gallery nagtungo si Kilua at basta-basta nalang pumasok sa office ni Ria.
"Nasaan siya?" hinahapong tanong ni Kilua.
"Sinong siya?" balik tanong ni Ria ng mapatayo at nagtataka sa kinikilos ngayon ng lalaki.
"Huwag mo na akong paikutin dahil alam mo kung sino." matigas na sabi ni Kilua that makes Ria rolled her eyes over him.
"Pwede ba Kilua, hindi ako hanapan ng mga taong hindi ko naman alam kung nasaan." salita pabalik ni Ria ng may tumawag sa phone ni Kilua. Kaya binaling niya sa iba ang atensiyon niya.
"Hello." mahinahong sagot ni Kilua sa tawag.
"Sir, lumabas na ang result ng fingerprint comparison pero nakakapagtaka." boses ni Aya sa kabilang linya.
"Ano?" prenteng tanong ni Kilua.
"Hindi ko talaga toh maintindihan. Nag-match ang fingerprint ni Ms. Samantha sa fingerprint ng wife niyo." Aira
Napapikit si Kilua dahil sa binalita sakaniya habang nagpipigil ng sarili. Binaba niya ang tawag at bumuka ang bibig para magpakawala ng buntong hinga bago binalingan si Ria.
"Magkasintahan?" parang baliw na ngisi ni Kilua at taas kilay niyang pagkakatanong kay Ria na tila hindi nito nakuha ang ibig iparating ng lalaki. Sahalip ay nagawa niya pang ngitian si Kilua at nagtanong kung may problema.
"Malas mo." mahinang sabi ni Kilua.
"Kakatapos ko lang... buuin ang puzzle." anito na kinataka ni Ria.
Hinarap siya ng maayos ni Kilua habang may ngisi sa labi.
"Si Samantha--ah, hindi." sabay hawak sa magkabilang balikat ni Ria at isinandal sa gilid ng mesa na kina-singhap nito.
"Sabihin mo sakin kung nasaan si Miko. Sigurado akong alam mo. Nasan siya? Nasan siya?! Sabihin mo!" mahinahon niyang tanong pero agad ring nagbago at niyugyog na sa mga balikat ni Ria habang nangangalit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
