Buong gabi naman hindi tinantanan ni Ria na tawagan si Richie. Nakapatay ang phone nito kaya mas lalo lang siyang nainis at nagalit dito.
"Ang sama mo Richie. Bakit ikaw pa? Bakit mo niloko si Jonas? Humanda ka kapag nakita kita." sabi ni Ria habang patuloy pa rin at pilit tinatawagan ang phone ng lalaki pero wala pa rin hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag niya.
Nagkulong lang sa kwarto niya si Jonas at walang ginawa kundi ang alalahanin yung mga panahong masaya siya nang malamang nagdadalawang tao ang fiancè sa magiging anak nila.
Flashback
Malawak ang ngiti niya habang inaayos ang magiging kwarto ng kanilang magiging anak.
Niyakap siya ni Sam mula sa likuran at pinuri ang ginawang paghahanda niya para sa panganganak nito.
Masaya na sana siya kaso nalaman niya nalang ng sumunod na araw na nadulas ito at nakunan pero ang totoo pala... ay sinadya ito ng girlfriend na ipalaglag.
End of Flashback
Napapikit siya ng mariin at napahigit ng mga kamao dahil sa sobrang sakit. Dinudurog ng sobra ang puso niya dahil hindi niya napigilan. Dinamay nito ang walang kamuwang-muwang na sanggol sa kasamaan nito. Hindi niya mapapatawad si Sam. Hinding-hindi.
Katulad ni Jonas ay nasa loob lang din si Miko ng kwarto niya at nagmumukmok. Hindi rin sila nakakain ng breakfast at lunch.
Mag-aalasais na ng gabi ng lumabas si Jonas at kasabay nun ang pagbukas rin ng pinto ni Miko.
Nagkatinginan pa sila pero saglit lang ay ngumiti si Miko sakaniya pero hindi niya iyon tinugunan.
"Maghahanda lang ako ng dinner." sabi ni Miko at tumungo na sa kusina.
Magkaharap na sila ngayon sa hapagkainan ng walang nagsasalita.
"Nagluto ako ng marami para mapasaya ka kahit papano." pagsira ni Miko sa katahimikan pero gumalaw lang ang panga ng lalaki bago binaba ang kutsara sa mesa.
"Miko palagay ko... dapat kanang lumipat ng bahay." sabi ni Jonas ng hindi tinitignan si Miko.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Miko at napalitan iyon ng pagkadismaya at rejection. Napatingin nalang siya sa baba.
"May kinuhang studio apartment si Ria nung isang araw. Dun ka tumira." anito na kinalumo ni Miko at muling naalala ang sinabi ni Ria nung isang gabi sakaniya.
"Nung maliit pa si Jonas, palagi siyang nagdadala ng mga ibong bali ang pakpak at mga pusang kalye. Siguro ganun ang nararamdaman niya para sayo." alala niya sa sinabi ni Ria.
"Ganun pala. Bakit mo pa ako pinatira dito sa bahay mo? Bakit mo pa ako pinigilan--dun sa train station. Bakit?" nasasaktang tanong ni Miko pero hindi parin siya tinitignan ni Jonas.
Sa konting panahon na nagkasama sila natutunan niyang bigyan ng puwang sakaniyang puso ang lalaki dahil sa kabaitan at pag-aalaga nito sakaniya. Pero parang nagkamali siya sa lahat na ipinakita at ipinaramdam nito sakaniya.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
