"Maraming salamat."
Sabi ni Miko kay Jonas ng nasa harap na sila ng tinutuluyan niya.
Ngumiti lang ng slight si Jonas habang diretso itong nakatitig sa mga mata ni Miko.
"Yung kanina, gusto kong humingi ng sorry. Nasumbatan kita at--"
Paghingi ng paumanhin ni Jonas matapos tumikhim. Napa-iling naman si Miko.
"Ako dapat ang mag-sorry. Dahil pinag-alala kita. I'm sorry." Miko
'Hindi ko alam kung totoo ngang nag-alala ka para sakin. Pero hindi kaya, nag-aalala ka dahil--sa mukha ko?'
Turan ni Miko sa isipan.
"Pasok kana."
Sabi sakaniya ni Jonas at tumango lang naman siya.
"Goodnight."
Pahabol niya ng akmang tatalikuran na siya ni Miko.
"Ingat ka sa pag-uwi."
Saad naman niya at pumanik na sa loob ng gate.
Pero nanatili pa rin si Jonas doon hanggang sa makitang naka-akyat na si Miko sa rooftop. Kumaway pa ng kamay si Miko kaya napangiti si Jonas at nagsimula ng maglakad paalis habang si Miko ay pumasok na rin sa loob.
Walang kamalay-malay si Jonas na nasundan sila ni Kilua. Kaya ng paalis na ang kotse niya ay siya namang pagbaba ni Kilua sa kotse habang diretso ang tingin sa pinanggalingan nito. Tinahak niya iyon ng mag-isa ngunit nagkalat ang tauhan niya sa paligid.
Sa gitna ng pagmamaneho ni Jonas, hindi siya mapalagay. Parang kinakabahan siya na ewan.
At saglit lang rin ay naalala niyang may napansin siyang tao kanina ng paalis siya. May taong lumabas ng isang puting kotse sa side mirror ng sasakyan niya.
'Si Miko.'
Sigaw ng isipan niya at mabilis nag-U turn.
Hindi pa siya tuluyang nakakaidlip ng may marinig na kumalabog sa labas ng rooftop kaya napadilat siya ng mga mata hanggang sa sunod-sunod na yapak ng pares ng sapatos ang naririnig niya.
Napa-upo siya sakaniyang higaan at nakiramdam sa mabinging gabi. May lumitaw na pigura ng isang tao mula sa bintana ng kwarto dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas.
Kinabahan siya kaya binuksan niya ang lampshade sa uluhan niya.
Unang sumagi sakaniyang isipan na may magnanakaw o kaya naisip siyang pagtripan ng mga nakatira sa ikalawang palapag nitong apartment.
Tahimik siyang tumayo at lumabas ng kwarto tsaka tinignan ang pintuan.
Muling lumitaw sa may kurtina sa ibabaw na bahagi ng pintuan ang pigura ng isang lalaki. Napasinghap pa siya ng bigla itong kumatok kaya mas lalo siyang kinabahan.
Kumatok ulit ito pero hindi niya iyon pinagbuksan.Napatalon siya sa gulat ng sinimulan nitong sipain ang pinto. Isa... Dalawa... Tatlo.
Naghanap si Kilua ng maaaring magamit upang sirain ang doorknob ng pinto at nang mahagilap ang isang bato sa tabi ay pinulot niya iyon at sinimulang sirain ang doorknob.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries: Love In Sadness
RomansaKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...