Chapter43

64 5 0
                                        

Nagkalat ang mga damit nila kung saan-saan sa kwarto.

Hinalikan ni Kilua ang noo ni Miko na siyang tulog habang nakahilig ang ulo sa hubad niyang dibdib. Hinaplos niya ang malambot nitong buhok habang nakapaskil ang ngiti sa mga labi. Pero lumaho iyon ng maalala niyang magdi-divorce sila.

Napatungo siya bago muling pakititigan ang mukha ni Miko.

'Miss ka lang niya... hindi ikaw ang mahal niya.'

Turan niya sa isipan at kinagalaw ng kaniyang panga bago maingat na umalis sa kama. Iniwan si Miko na mahimbing na natutulog.

Lumabas siya ng kwarto ng nakabihis na ng corporate attire. Tinawagan niya si Tyler at inutusang pumasok.

"Babalik na ako ng office ngayon, ihanda mo ang kotse."

Utos niya rito na tumango agad pero saglit lang ay napakunot ng mga kilay.

"Pero Sir. Paano po si Ma'am?"

Saglit binalingan ni Kilua ang hallway patungong kwarto niya kung saan si Miko. Napabuntong-hinga siya.

"Papuntahin mo si Aira. Paggising niya, ibalik niyo siya."

Sabi lang nito at nilampasan na si Tyler na siyang tila naguguluhan.



Sa gitna ng pagmamaneho niya nakatanaw lang sa labas ng bintana si Kilua.

"Yung diary..."

Salita bigla ni Kilua na kinaangat ng tingin ni Tyler sa rearview mirror kung saan nakikita niya si Kilua sa backseat.

"Alam kong ikaw ang may pakana."

Turan niya pero nanatiling nakatanaw sa labas.

"Pasensiya na po, Sir. Simula ng umalis kayo napapansin kong madalas kayong natutulala at halos hindi na lumalabas ng townhouse. Nag-alala lang po ako."

Paghingi ng tawad ni Tyler na siyang kinabuntong-hinga lang ni Kilua. Muli itong tinignan ni Tyler sa rearview mirror ng hindi na nagsalita.

"Ano pong plano niyo?"

Tanong niya na siyang liningon saglit ni Kilua.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tanong pabalik ni Kilua habang nakasandal ang siko sa pintuan ng kotse.

"Anong plano niyo kay Ma'am Miko?"

Turan nito na siyang kinababa ng tingin ni Kilua at kumuyom ang kamao na nasa baba niya. Muli siyang tumanaw sa labas.

"I won't let her down. Pina-process ko na ang divorce papers. Tuloy ang plano."

Aniya pero mababakas ang pag-aalinlangan sa pagkakasabi niya. Kumunot ang noo ni Tyler.

"Pero akala ko nagka-ayos---"

"I should have let go of her for a long time. She don't deserve a coward and a monster for a husband. She don't deserve an obsess man like me. Mabuti na din ang ganito. Malalayo siya sa kapahamakang darating."

Mahabang alintaya nito. Napansin ni Tyler na natutulala na naman ito kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala para sa taong pinaglingkuran niya ng mahabang panahon.

Halos magkasabay na silang lumaki ni Kilua. Minsan na siya naging biktima ng pambu-bully nung high school dahil sa hanapbuhay ng ina niyang naglalako lamang ng kakanin.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon