Chapter5

270 7 0
                                        

Kasalukuyang nasa opisina niya si Jonas at may tinitignang papers ng pasyente nang maalala niya bigla ang pagpunta ni Miko sakaniya noong isang araw.

Flashback

Naglalagay siya ng flowers sa vase nang may kumatok mula sa labas ng office niya.

"Pasok." salita niya at inabangan ang bisita.

Saglit siyang natulala sa babaeng pumasok sa office niya dahil sa angking ganda nito. Napangiti siya rito nung huli.

At ng maka-upo na sila pareho nagsimula naring magsalita ito.

"Gusto kong magpalit ng mukha. Paki-usap tulungan mo ako." paki-usap nito sakaniya.

"Ang baguhin ang mukha mo ay hindi nangangahulugan na mababago ang buhay mo." sabi niya rito.

"Please, magbabayad ako kahit magkano. Tulungan mo lang ako please, Doc." pagpupumilit ni Miko na siyang kinabuntong-hinga niya.

"Ang tanging mga pasyente ko lamang ay yung mga taong nagpapa-surgery matapos maaksidente. Ang alisin ang mga nagpapahirap at nagpapa-alala sakanila sa sugat na natamo at meron sila. Iyon, ang trabaho ko bilang doktor." he explained.

"Hindi. Narinig ko na tumutulong ka sa mga tao na baguhin ang mga buhay nila sa pamamagitan ng surgery. Umasa akong matutulungan mo kaya please... nagmamakaawa ako." ani Miko na nangingilid na ang mga luha sa mga mata.

"Kailangan kong magbago ng mukha para mabuhay ako." doon pumantig ang tenga ni Jonas at direktang tinignan sa mga mata si Miko.

"Hindi reconstructive surgery ang nais mo kundi plastic surgery, tama ba? Kung ganun maling doktor ang pinuntahan mo dahil hindi ako specialist sa plastic surgery." aniya

Napayuko nalang si Miko at tumayo habang hinahawi ang mga luha.

"Mali ngang pumunta pa ako rito. Hindi na sana ako umasang matutulungan mo ako. Pasensya na kung naistorbo kita."

Tumalikod na si Miko ng magsalita si Jonas.

"Ang mga pasyente ko sinasabi nila ang mga problema nila sakin bago kami maging team. Kaya ko ito sinasabi sayo dahil sa tingin ko gusto mo lang takbuhan ang sitwasyon."

Napahinto si Miko sa pagbukas ng pinto dahil sa sinabi nito.

"Kung ginagawa mo ito para takbuhan ang problema mo, hindi talaga kita matutulungan. Ni hindi mo masabi kung ano ang problema mo. Bumalik ka nalang dito kapag handa kana, handang sabihin kung ano talagang problema mo." alintaya ni Jonas bago tuluyang umalis si Miko.

End of Flashback

Gaya nga ng huling sinabi niya bumalik si Miko pero hindi niya inaasahang makikita niya ulit ito sa gitna ng malamig at maulan na gabi kagabi.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon