Chapter17

47 5 0
                                    

Malapit na si Jonas sakaniyang sasakyan ng tignan niya ang phone niya na mayroong 3 missed calls from Ria pero hindi niya iyon pinansin at pumasok na sa kotse niya.

Saktong ista-start na niya ang kotse ng tumunog ang phone niya kaya sinagot niya ito.

"Hello."

Sagot niya sa tawag.

"May problema tayo. Kilala mo ba ang asawa ni Miko? Ise-send ko sayo tapos usap tayo."

Diretsong sabi ni Ria sa kabilang linya.

Akmang magsasalita pa si Jonas ng binabaan na siya ni Ria ng tawag at saglit lang din ay may mensahe siyang natanggap.

Yun ang impormasyon na tungkol kay Kilua na may nakasaad na 'Young CEO Of K Group' sa ilalim ng litrato nito.

Muling lumitaw sa caller ID ang pangalan ni Ria kaya sinagot niya ito na parang nag-aalinlangan.

"Husband niya si CEO Kilua Kazaki ng K Construction." Ria

"Ganun ba?"

Wala sa mood na sagot ni Jonas.

"Ganun ba? Iyan lang ang sasabihin mo?"

Di makapaniwalang tanong ni Ria sa kabilang linya.

"Sige na, sandali."

At binaba ang tawag saka nagsuot ng seatbelt at stinart ang kotse.




Nagske-sketch si Miko ng muli niyang maalala ang nangyari kanina. Nang tawagin sila ni Kilua, suot ang mga titig nitong tagos sa kaluluwa niya at ang kinakatakutan niya.

Ibinaba niya ang lapis at kinuha ang phone na nakapatong sa katabing maliit na mesa ng mag-vibrate ito.

Sinagot niya ang tawag at narinig ang boses ni Jonas.



Sakay ng kotse ay tinahak muli ni Jonas ang daan papunta sa tinitirhan ni Miko.

Nang makababa ng kotse ay tinahak niya ang hagdanan at ilang pasikot-sikot hanggang sa nakarating siya sa rooftop kung saan lumabas rin ng bahay si Miko.



Samantala...

"Kaibigan mo si Samantha Rodrigo nung college at siya ang Gallery Director? Close talaga kayo sa isa't-isa."

Turan ni Kilua at binulsa ang calling card ni Ria.

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

Tanong nito ng hindi inaalis ang ngiti sa labi.

"Ms. De Vela. Nakikipag-deal lang ang tao sa pinagkakatiwalaan niya." Kilua

"Hindi kami mag-business partners. Boss ko siya at empleyado niya ako, yun lang." Ria

"Wala kayong tiwala sa isa't-isa, kung ganun madami kayong sikreto sa isa't-isa?"

Makahulugang sabi ni Kilua na nagpakunot ng noo ni Ria.

"Ganun ba iyon?"

Dagdag pa ni Kilua na dahilan upang walang maisagot si Ria.

"I'll go ahead. Mukha namang hindi mo sasabihin sakin ang gusto kong malaman."

Tumayo na siya at nilampasan si Ria pero tumigil siya at lumapit sa mesa para kunin ang magazine.

Saktong tumayo si Ria at lumingon. Napasinghap pa siya ng iharap sakaniya ang mukha nito sa magazine.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon