Nasa gitna ng meeting si Kilua ng mag-vibrate ang phone sa bulsa ng suit niya. In-end call niya iyon ng makita ang pangalan ni Jonas sa screen.
Binaba niya iyon sa mesa at binalik ang atensiyon sa meeting ng mag-vibrate ulit ito.
Muli niyang pinatay ang tawag hanggang sa mag-vibrate ulit at pinatay na niya naman.
Tumigil ito ng ilang segundo at tumatawag na naman. He's about to turn-off his phone ng gumalaw ang panga niya.
"Continue, I'll just answer this."
Aniya sa mga taong kasama sa loob ng conference room. Umikot siya patalikod sa mga ito habang naka-upo pa rin sa swivel-chair at sinagot ang tawag.
Hindi pa siya nakakapagsalita ng kaagad itong bumulyaw sakaniya mula sa kabilang linya.
"Anong ginagawa mo, nasa panganib ngayon si Miko!"
Anito kaya agad siyang napatayo na siyang kinalingon ng mga kasama niya sa kwarto.
"Mr. Kazaki, any problem?"
Tanong ng isa sa mga ito pero hindi sila pinansin ni Kilua at mabilis na lumabas ng conference room.
Sumalubong din kaagad sakaniya si Tyler na bahagyang hinihingl pa.
"May lead na sa ama niyo."
Pagkasabi nito niyon sakaniya bigla nalang parang may pumiga sa puso niya at nagsimulang kabahan.
"Si Miko."
Nasambit niya bago nagmadaling umalis at sumunod din kaagad si Tyler.
Nakasakay sa taxi si Miko habang nakayuko sa kaliwa niyang kamay kung saan dati ay may nakasuot na singsing sa ring finger niya.
Attending a wedding makes her remember her own wedding. Kung sana lang pwede niyang hilahin pabalik ang oras.
Pero hindi, there's no such thing as time travel sa mundong ginagalawan nila.
She let out a sigh bago ilipat ang tingin sa labas ng bintana. Nakikita niya ang dagat at mukhang pamilyar na siya rito.
"Oh? Ang daan na, toh..."
Aniya sa sarili na nagtataka.
"Ahm. Manong, ito po ba talaga ang daan papunta sa address na iyon?"
Tanong niya sa driver na sinang-ayunan naman nito.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
