Chapte21

42 5 0
                                    

Nasa gallery si Ria ng tumawag si Kilua tungkol sa schedule na nilaan niya para i-meet si Sam. Hindi na nakasagot pa si Ria dahil binaba na nito ang tawag kaya pabagsak siyang napa-upo sa upuan niya at nag-isip ng pwedeng gawin hanggang sa ma-isip niyang kausapin si Jonas.

"Hindi."

Pinal na sagot ni Jonas sa gustong mangyari ni Ria.

"Pero Jonas, ito lang ang paraan natin para--"

"I-cancel mo ang investment niya sa Gallery."

Putol niya kaagad sa iba pang sasabihin ni Ria.

"Hindi pwede, Jonas. Alam mo ba kung bakit nakatayo pa rin ang gallery hanggang ngayon? Dahil iyon sakanila. Dahil sa mga Kazaki. Halos lahat ng painting na nabili dito sa gallery ay ang Chairman ng K Construction ang bumibili matagal na."

Ani Ria at may nilabas na folder mula sa bag niya.

"Ito."

Itinaas ni Ria ang folder na naglalaman ng mga papeles at nilapag sa mesa ni Jonas.

"Hawak ni Kilua ang mga papeles na naglalaman ng summary ng sales ng paintings. At napag-alaman ko na kalahati rin ng shares sa gallery ay kanila. Kaya hindi pwedeng hindi natin tanggapin ang nais niyang makipag-partnership sakaniya dahil babagsak tayo."

Pagkukumbinsi pa rin ni Ria dito pero parang bingi lang ito na nagta-type sa keyboard.

"Wala akong paki-alam. Mananatili pa rin ang gallery kahit wala ang shares nila."

Sabat ni Jonas at tumayo para lumabas ng office.

Nainis na si Ria sa inakto nito kaya hinila niya ito sa braso para harapin siya.

"Akala ko ba mahalaga sayo ang gallery? Kaya bakit ayaw mong gawin, toh?"

Confused na tanong ni Ria hanggang sa mabasa niya ang reaksiyon ni Jonas ng umiwas ito ng tingin. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ng lalaki.

"Dahil ba sa babaeng iyon? Si Miko na naman ba? Ha, Jonas?"

Nasasaktang tinignan niya ito sa mga mata. Pero kahit ganun aware siyang hindi nito iyon napapansin.

"Tigilan mo na ito Ria. Against ako sa gustong investment ng Kilua na iyon. At hindi ako papayag sa gusto mong pagpanggapin si Miko bilang si Sam."

Tiim-bagang sabi nito na kinabagsak ng mga balikat ni Ria bago siya tinalikuran ni Jonas.

"Naguguluhan kalang Jonas."

Natigilan si Jonas sa sinabing iyon ni Ria.

"Hindi siya si Sam, Jonas. Naguguluhan ka lang kaya ka nagkakaganiyan sa babaeng iyon."

Dagdag pa niya kaya napayuko si Jonas at tuluyang lumabas ng opisina.

'Kung hindi ka kikilos, ako nalang. Ililigtas ko ang gallery sa ikabubuti nito.'

Ani Ria sakaniyang isipan.




Nakipagkita si Ria kay Miko sa isang restaurant at kina-usap ito tungkol sa cistus painting. Sinabi naman ni Miko ang totoo at humingi ng tawad dahil sa hindi niya kaagad pagpakita bilang painter ng piece.

MaidenSeries: Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon