Same night...
Tinawagan ni Kilua si Ria para pumunta sa condo unit niya kung saan siya kasalukuyang tumitira dahil gusto niya, pagbalik niya sa mansion ay kasama na niya ang wife niya.
Umiinom siya ng alak ng maalala ang tagpo nila ng kaniyang ama matapos niya makipag-meet kay Samantha.
Sinampal siya ng ama gamit ang likod ng palad nito dahil natapos na ang sampung araw na binigay nito para maibalik ang wife niya pero nabigo siya. Napagalitan siya ng ama kaya galit siya sa sarili niya.
Natapos lang ang pagmuni-muni niya ng may mag-doorbell.
Ilang minuto na simula ng pinatuloy niya si Ria.
Nasa harapan siya ng dvd player at may nilagay doon na cd.
"Alam mo, nung una ko siyang makita hindi ako makahinga. Akala ko kasi, nabuhay ang mommy ko." pagsimula ni Kilua sa usapin kung saan niya nakita si Miko sa school exhibit nito.
Binalingan naman siya ni Ria na prenteng naka-upo lang sa sofa at hawak ang tasa ng kape sa mga kamay.
"Lalo ko napatunayan na isa kang baliw, Kilua. Magka-ibang tao ang wife mo at mommy mo." sabi ni Ria na kina-iling ni Kilua habang nakangisi.
"Kung ganun pareho lang tayong baliw?" aniya at tumayo ng maayos matapos i-play ang music.
"Ito ang favorite music ni Jonas hindi ba?" aniya at lumapit sa harapan ni Ria.
"At iyan ang favorite coffee niya." sabay kuha ng tasa ng kape sa mga kamay ni Ria saka pinatong sa mesa.
"Bakit ka nabubuhay ng ganito?" tanong ni Kilua that makes Ria sighed at tumayo na rin.
"Alam mo na ang lahat diba? Tigilan mo na ang pangingi-alam sa buhay ng mga tao at mag-focus ka sa paghilum ng sugat diyan sa puso mo---" may inis na sabi ni Ria.
"Kaya nga!" biglang singhal ni Kilua na kinapitlag ni Ria sa gulat.
"Ilabas mo si Miko dahil siya lang ang makakagamot sakin!" nangagalaiting singhal pa niya kaya napabalik ng upo si Ria sa sofa na bakas ang takot sa mukha dahil sa inakto ni Kilua.
Kinaumagahan medyo nailang pa na nagkasalubong sa paglabas ng mga kwarto sina Joseph at Miko dahil sa naganap kagabi.
"Goodmorning." bati ni Jonas na parang teenager na kinakabahan.
Tango lang ang naisagot ni Miko at tsaka muling pumasok sa loob ng kwarto sabay sandal sa pinto.
Kagat labi siyang napatampal sa noo dahil sa hindi niya magawang batiin ito pabalik.
"Haiist. Ano ka ba naman Miko, isang halik lang naman iyon. Anong masama, umamin na naman siya ng totoo niyang feelings at nagugustuhan mo rin na naman siya." kumbinsi niya sa sarili niya ng pabulong at napatakip ng mukha dahil sa inis.
Nagising si Kilua dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa hindi maayos na pagkakatakip ng curtains sa glass window ng room niya.
Pagkabangon ay diretso siya kaagad sa bathroom at nag-shower. Hindi niya malimot-limot ang pagpapa-alala ni Samantha sakaniya ng parehong sinumbat noon ng wife niya.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries: Love In Sadness
RomansaKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...