Chapter28

61 5 0
                                        

Kasalukuyang nagliligpit ng gamit sina Miko at Jonas sa tinutuluyan nitong kwarto sa rooftop.

"Dalhin natin ang painting na, toh." sabi ni Miko ng makuha ang painting sa ibabaw ng mesa habang si Jonas ay naglalagay ng mga gamit sa isang kahon.

Iniwan niya ang ginagawa at inabot kay Miko ang painting.

"Tapos na ba, toh?" tanong niya habang nakatingin lamang sa painting.

"Oo." sagot naman ni Miko.

"May na-isip kanang title?" tanong ni Jonas at nilingon na si Miko na siyang napalabi at napa-isip.

"Hmm. A Self-Portrait Too." sagot ni Miko.

"A Self-Portrait Too?" ulit ni Jonas pero ngumiti.

"Mukhang lagi mong ine-express ang sarili mo sa mga flowers." Jonas

"Tanda ko nun pin-naint ko ang sarili ko pero hindi mukha ko ang din-rawing ko, kundi ang mga luha ko. Dun ko na-realize na kapag sinabing self-portrait, hindi kailangang mukha ang ilarawan kundi ang puso." salaysay ni Miko.

"Kaya ganun ang paintings ni 'Frita Cano'."  salita ni Jonas.

"Yung isang maraming pana sa katawan, ganun siya mag-express ng sarili." ani Miko na kinangiti ni Jonas at muling binaling ang atensiyon sa portrait nito.

'Parang sinasabi ng painting na, toh. Na nakalipas na ang kadiliman at nagpakita na ang liwanag.' turan niya sakaniyang isipan na tumutukoy sa buhay ni Miko ngayon.

Nakita ni Miko kung gaano kamangha sa gawa niya si Jonas kaya napangiti siya ng palihim.



Magkasama silang nag-alaga ng mga halaman at mga bulaklak sa loob ng bahay ni Jonas.

Nag-bake din sila pero habang gumagawa sila ng dough ay pasimpling pinunasan ni Jonas ang kaliwang pisngi ni Miko ng hinlalaki niyang may flour kaya nilagyan rin siya ni Miko sa ibabaw ng labi na kinatawa nilang pareho.



Maagang nagkita sina Ria at Miko sa hotel restaurant na malapit lang sa building ng gallery.

Sinuli ni Miko ang mga gamit na hiniram niya nung nagpanggap siya bilang si Samantha.

"Sinusuli ko na iyan. At sana hindi na iyon mauulit pa." akmang tatayo na si Miko ng pasimpleng nagsalita si Ria.

"Ang balita ko hindi mo kinansela ang contract." sabi ni Ria at nginitian si Miko.

"Ang alam niya ikaw ang Director ng Gallery na kaibigan ko. At dahil pumayag ka sa kontrata... sa tingin ko hindi mangyayaring hindi ulit kayo magkaharap, because you're partners." may nakakalokong ngiti na saad niya kay Miko na siyang napatayo.

"Ikaw ang may gusto nun, kaya huwag mo na ulit akong lalapitan para humarap kay Kilua." matapang na sabi ni Miko tsaka tinahak ang daan palabas ng magkasalubong sila ni Richie.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon