Chapter36

89 5 0
                                        

"Ang mahalin ka ang pinakamadali kong ginawa sa buhay ko. Kasi, napakadali mo talagang mahalin." turan ni Miko sakaniyang isipan habang papalabas sila ni Kilua ng building.
Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Kilua.

"Pero ngayon para sakin... ito na ang pinakahirap na gawin."

Hindi na sumunod pa ang mga tauhan ni Kilua sakanila para bigyan na rin sila ng privacy na mag-asawa.

"Kasi sa layo ko lang maipapakita ang pagmamahal ko. Ang iwan ka... ang patunay na pagmamahal ko sayo." dagdag pa niya hanggang sa tuluyan na silang umalis sa lugar na iyon.



Nakatuon lang sa daan ang mga mata ni Kilua ng lingunin siya ni Miko.

"Hindi dapat natin siya iniwan ng ganun. Please tawagan mo si Ria. Ipaalam mo sakaniya kung nasaan siya." worried na paki-usap ni Miko kaya napaigting ang panga ni Kilua bago tignan ito at tumingin sa wrist watch tsaka pumara sa isang tabi.

Napanatag si Miko ng ganun nga ang ginawa ni Kilua. Sinunod nito ang paki-usap niya ng hindi na nagsalita o nagreklamo pa.


Kakalabas lang ni Ria ng elevator at uuwi na sa unit niya ng mag-ring ang phone niya.

"Nakipagkita ka kay Jonas? Nasaan ka ngayon?" tanong kaagad ni Ria ng sagutin ang tawag ni Kilua.

"Ano?? Anong exact location?" aniya at mabilis pumasok ulit sa elevator.


In-unclasped ni Kilua ang seatbelt niya at tumagilid para makaharap si Miko at tinaas ang kamay nito na hawak niya na.

"Ano iyong... sinabi mo habang hawak ang kamay ko?" tanong ni Kilua kay Miko habang nakatitig lang sa mga kamay nila na hawak niya.

Mabilis nitong inikot ang kamay paakbay kay Miko kaya napasinghap sa gulat ang babae dahil nagkalapit ang kanilang mga mukha.

"Huwag mo akong lolokohin." taas kilay na turan ni Kilua sa nakapigil hiningang asawa.

"Hindi makakaila... ng mga mata mo ang katotohanan." mapanuring sabi niya kay Miko habang tinititigan ito ng direkta sa mga mata.

"At huwag mo na ulit... babanggitin ang pangalan niya. Kahit na kailan." mapagbanta na turan nito.

"Ang gusto kong mangyari. Tuluyan ng mamatay... ang lalaki na iyon." seryoso niyang sabi at saglit lang ay bumaba ang mga titig niya sa mapupulang labi ng asawa.

Maglalapat na sana ang mga labi nila ng mag-vibrate ang phone niya kaya napagalaw ang panga niya bago lumayo sa asawa.

Kinuha niya ang phone niya at inalis ang pagkakaakbay kay Miko tsaka sinagot ang tawag ng may pagka-inis na mababakas sa kinikilos.

"Hello." wala sa mood na sagot niya sa tawag habang si Miko ay walang imik lang na nakayuko sa passenger seat.

"Sir, gusto ka pong maka-usap ni Chairman." boses ni Tyler sa kabilang linya.

Napakagat ng pang ibabang labi si Kilua para pigilan ang inis tsaka humawak sa manibela ang malayang kamay.

"May nahanap kana bang doktor?" may kahinaan ang boses niyang tanong na nagpipigil ng pagka-inip.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon