Chapter50

22 5 0
                                    

Nakasandal sa sandalan ng silya si Aira habang nakatingin sa labas ng coffee shop at nakakagat sa ibabang labi.

"Pssh. May topak nga talaga ang Kilua na iyon. Sino bang matino na hihiwalayan ang mahal niyang asawa para mapatunayan lang na kaya niyang magbago? Haiish. Kung hihiwalayan lang pala niya bakit pa siya nagsayang ng panahon at kulang nalang pagbaliktarin ang buong bansa sa paghahanap sa asawa niya? Haiist! Kainis!"

Nanggigigil na turan ni Aira na siyang bahagyang kinailing-iling ni Tyler.

Dahil sa lakas ng boses ng kasama tuloy nakakaagaw sila ng atensiyon ng ibang tao.

Bahagya pa siyang yumuko at napakamot-kamot sa itaas ng kilay para takpan ang mukha niya dahil nahihiya na siya ng dahil sa kasama.

"Ba't ba parang masyado kang affected sakanila?"

Tanong ni Tyler na may tonong pagka-inis. Tinaasan siya ni Aira ng isang kilay sabay pag-krus ng mga braso nito.

"Eh. Ikaw, nalaman kong matagal kanang naninilbihan sa boss mo. I'm sure nag-aaalala ka din naman sa nangyayari sa buhay niya, kaya nga nung ini-uwi ko ang wife niya hindi mo ako pinigilan kahit na hindi ako sumunod sa utos."

Sahalip na tumugon sa tanong ni Tyler binalikan niya ito ng statement.

Dahil dun napagalaw ang panga ni Tyler bago inangat ang tingin kay Aira.

"Kung sa bagay, ikaw ang kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan niya at kaibigan. Hindi ko na sana tinanong, syempre mag-aalala ka dahil kapatid na ang turing mo sakaniya... and I think ganun din naman ang tingin niya sayo kaya ikaw ang laging nasa tabi niya."

Seryoso ng sabi ni Aira na kina-iwas ng tingin ni Tyler.

Tama naman kasi ang babae pero hindi lang siya sanay na may nakakaalam nun at may nagsasabi mismo sa harapan niya... lalo na kapag babae.

Tumikhim siya at uminom ng kape niya.

"Pwede ba tapusin mo na iyang drink mo at may pupuntahan tayo."

Aniya ng hindi tumitingin kay Aira. Kumunot ang noo ng babae.

"Akala ko ba tapos na ang trabaho ko? Saan ba tayo pupunta?"

Curious niyang tanong.

"May pinapagawa si Sir, at alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin para isagawa ang trabaho."

Anito na kinanguso ni Aira habang nanghuhula kung anong posibleng trabaho iyon.




"Kailangan, ba talaga nating... maghiwalay?"

Ani Miko while staring in Kilua's eyes.

She can't read the look in his eyes at isa iyon sa dahilan kung bakit hindi niya makita at hindi niya maramdaman kung ano ang totoo nitong nararamdaman.

Ni hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo na hindi na siya talaga nito mahal at kung talagang wala na itong paki-alam sakaniya... sa nararamdaman niya.

Umiwas ng tingin si Kilua at gumalaw ang panga dahil sa tinuran ni Miko. Tumaas ang maskulado nitong dibdib dahil sa paghinga at napatiim-bagang.

"Lumabas ka kung tapos kana."

Cold niyang turan at tumayo. Humakbang siya sa closet niya at kumuha ng itim na t-shirt tsaka sinuot iyon not minding his arm na namamanhid pa dahil sa sugat.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon