Hawak-hawak ni Ramon Kazaki ang iilang litrato kung saan nakuhanan si Samantha Rodrigo (Miko) kasama ni Kilua papasok ng mansion.
Ang sumunod na litrato ay ang paglabas ni Samantha ng gate at niyakap ng isang lalaki (Jonas).
May iba pang kuha na ilang beses magkasama at nagkita si Samantha at Kilua.
Napahigpit ang hawak niya sa mga litrato.
"Ang Samantha Rodrigo na ito. May kakaiba sakaniya. She reminds me of someone. Isang director ng pipitsyuging gallery, pinag-aaksayahan ng oras ng bastardong iyon."
Nanghihinala niyang turan sabay baba ng mga pictures sa mesa.
"Sundan mo kahit saan magpunta ang babae at i-report ang lahat na malalaman mo sakaniya."
Utos niya sa tauhan na tumango lang at lumabas na ng opisina ng ginoo.
"Samantha Rodrigo, hindi ka pag-aaksayahan ng oras ng anak ko kung walang espesiyal sayo."
Turan niya gamit ang nakakakilabot na boses at matalim na tinuon ang tingin sa litrato ng anak niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi mo pa rin talaga sinusukuan ang kaso na iyon. Too bad, mapupunta rin lang sa wala ang paghahanap mo ng hustisya sa walang kwentang taong iyon."
Nakangisi niyang turan sa litrato ni Kilua.
Nagising si Tyler dahil sa pagtunog ng cellphone niya. Sinipat niya ang alarm clock sa bedside table at nalamang alas tres palang ng madaling araw.
Sinagot niya iyon at nalamang care-taker ng townhouse ang tumatawag.
"Ser, pasensiya na po kung na-istorbo ko ang pagtulog niyo."
Salita ng lalaking may kaidaran na sa kabilang linya.
"Kayo pala manong, okay lang po. Bakit po kayo napatawag, may problema po ba?"
Nagkukusot pa ng mata na tanong niya.
Tinanaw ng matanda ang townhouse mula sa buhanginan na kinatatayuan niya. May dala itong net at patungo sana sa pwesto ng mga bangka para maglayag sa dagat ng mapansin nitong nakabukas ang mga ilaw ng bahay. Nagtaka ang matanda dahil walang kotseng nakaparada dun.
"Itatanong ko lang sana kung dumating ang boss mo sa bahay, nakabukas kasi ang mga ilaw."
Sagot ng matanda na kinasalubong ng kilay ni Tyler. Ang alam niya nasa mansion ngayon ang amo niya.
"Ah, Manong. Pwede niyo po bang i-check muna?"
Paghingi niya ng favor sa matanda na siyang sinunod naman nito. Walang makitang tao sa loob ang matanda ng makalapit siya pero may natanaw siyang isang violet na bag sa sofa at pambabaeng sapatos sa na nakalagay sa shoe rack sa gilid ng glass door sa loob.
"Sa tingin ko kilala ko ang taong nasa loob. Salamat sa pagtawag, Manong."
Sabi niya bago binaba ang tawag. Na-isip niya na maaaring si Miko ang nandun kaya hindi na siya nabahala na baka may nanloob sa bahay.
"I'm sure tinaboy niya na naman ang asawa niya."
Inaantok niyang nguso at hinayaan bumagsak ang katawan sa higaan para bumalik sa pagtulog. Pagkagising na lamang niya tatawagan si Kilua kung nasaan ang asawa nito para naman makabawi sa naputol na mahimbing niyang pagtulog.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
