Dinig sa labas ng opisina ng Chairman ang pagkabasag ng isang bagay. Nagwawala ito dahil sa naging report ng secretary niya.
Hawak ang golf stick na ginamit sa pagbasag ng babasaging coffee table. He point it to his secretary while breathing heavily after he exploded.
"Alamin mo kung nasan ang babaeng iyon, hanapin mo at iharap sakin ang babaeng iyon!"
Humahangos sa galit niyang utos sa secretary niya at marahas na tinapon kung saan ang hawak.
"Makikita mo, nagkamali ka ng kinalaban Yula. Maling-mali."
Nanggigigil niyang turan while gripping his fists.
Nalaman niyang pakana ng second wife niya ang lumabas na leak sa media tungkol sa isang organisasyong pagmamay-ari niya. At hanggang ngayon patuloy parin sa pagi-imbistiga ang mga alagad ng batas sa organisasyon na pilit niya paring pinagtatakpan.
And worst nalaman nadin niya ang tunay na pagkatao ng wife niya, ang totoong mga magulang, klase ng buhay noon, at marami pang iba.
Kaya hindi niya mapigilang hindi mag-init sa galit dahil simula palang plano na ni Yula ang pabagsakin siya bilang paghihiganti sa mga magulang nito sakaniya.
Nagngingitngit siya sa galit dahil matagal na siya nitong iniiputan sa ulo at sinasaksak patalikod pero hindi manlang niya iyon napansin o pinagdudahan manlang dahil sa mabuting pinakita nito sakaniya.
"Wala pa bang inuutos sayo kaya nandito ka't nakatayo habang nakatanaw sa magandang view ng karagatan at nilalasap ang preskong hangin. Hmm. Let me guess, babae ang iniisip mo. Tama ba ako?"
Ani Aira at bahagyang ningiwi ang ulo para tignan ang katabi.
Kakatapos lang niyang tulungan sa mga hugasin si Miko sa loob at natanaw si Tyler sa ilalim ng puno sa bangin.
Nang wala manlang naging reaksiyon ang lalaki sa pinuna niya napasimangot siya at humarap sa karagatan.
"Mali yata ako. Wala kang girlfriend no? Tsk. Pano nga naman magkakaroon ng time sa romance ang isang loyal na tauhan na gaya mo? Palagi ka nalang nakabuntot sa amo mo. Ang mga tulad mo ang tatandang binata. Sayang, may itsura ka pa naman at katawan na pinaglalawayan ng mga babae."
Salita pa ni Aira ng hindi padin umiimik ang katabi at nakatanaw lang sa malayo. Napataas ang isang kilay ni Aira dahil sa pagbalewala lang nito sakaniya.
Napahinga siya ng malalim bago muling humarap sa tanawin at akmang magsasalita ng maglakad paalis si Tyler.
"Alam mo Mr.--- H-hoy, teka! Hoy! Bumalik ka, hindi pa ako tapos sa--"
Tawag niya rito pero parang wala itong narinig kaya nainis si Aira at saglit lang natigilan.
"Haiish! Sino ba niloloko ko, eh ako lang naman ang salita ng salita kanina pa. Tss."
Pabulong niyang turan at tiningnan ang papalayong lalaki.
"Tss. Kala mo kung sinong gwapo. Baliw lang magkakagusto sayo."
Maktol niya tsaka naglakad kung saan. Napangiti nalang si Tyler habang tinatahak ang nakaparadang kotse.
Naka-upo si Miko sa paanan ng kama na malalim ang iniisip ng may kumatok sa pinto ng kwarto.
Si Kilua, nakasilip lang ito sa nakaawang na pinto ng lumingon siya.
"Sandali lang ako mawawala. May pinagawa ako kina Tyler at Ms. Santos, don't let anyone in."
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomansaKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
