Sa isang malayong lugar, kung saan nagniningning ang mga bituin sa kalawakan. Sa isang town house na malapit sa tabi ng dagat ay may maliit na bone-fire na naka-display. Sa tapat ng itim na kotse ay may nakalapag na folding chair kung saan naka-upo si Kilua at hinahaplos-haplos ang makapal na balahibo ng kaniyang itim na aso.
Napatingala siya sa kalawakan at nagkasalubong ang mga kilay habang inalala ang sinabi ng kaniyang ama.
Flashback
Pinigilan siya ng ama na maka-alis matapos ang kanilang pag-uusap tungkol sa negosyo sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang braso.
"Tandaan mo. Bibigyan lamang kita ng sampung araw para ibalik ang asawa mo!"
Sabay lihis ng pagkakahawak sa braso niya at umalis.
End of Flashback
Gumalaw ang panga niya sa na-alala at pinagpatuloy ang paghimas sa likod ng aso.
"You're lucky. You can't feel what I'm feeling."
Sabi niya patuloy ang paglaro sa balahibo ng aso na parang ito ang ka-usap niya. He smirked.
"People are scared of me. They come and go. You might be loved by your Mom even after she gave birth to you... For me, my Mom--"
Huminto siya saglit bago niyuko ulit ang aso.
"She leave me without thinking that her child still need her. My Dad, he only sees me as a tool. And my wife--"
Muling gumalaw ang panga niya habang nakatingin lang sa lupa.
"She hates me for being a violent, grumpy, jealous husband. She--she even tried to run from me countless times and now-- now she's nowhere to be found. She's hiding from her evil husband. Sa ginawa niya... mas pinatunayan niya lang sakin na hindi niya talaga ako mahal. Kahit kailan hindi niya ako minahal... at hinding-hindi niya ako mamahalin."
Patuloy niya sa pagsasalita at hinayaang makawala sa pagkakahawak niya ang aso na tumakbo pabalik sa loob ng bahay kaya muli siyang tumingala sa kalawakan.
"Miko... nasaan kana. Bumalik kana."
Bulong niya pero biglang lumitaw sa isip niya ang imahe ni Samantha kaya napakunot siya ng noo.
Hindi niya mawari, naguguluhan siya sa tuwing makita niya ito. Pina-aalala nito sakaniya ang asawa niya at-- ang leeg nito--. Ang maganda at makinis nitong leeg. Napailing siya ng ulo.
"Hindi. Tinatago nila si Miko. At mahahanap ko siya. Alam ko."
Turan niya sakaniyang isipan.
Pumunta si Ria sa bahay ni Jonas kahit gabi na. Hindi niya napigilan ang sarili na hindi pumunta para humingi ng sorry sa mga nasabi niya kanina sa gallery.
Hindi niya sinasadya at alam niyang nadala lang siya ng emosiyon at nararamdaman. Pero may isa pang rason kung bakit siya pumunta.
Ngayon ay magkaharap na sila ni Jonas sa labas ng bahay.
"Palagay ko, kailangan ko ng sabihin toh sayo."
Pangunguna ni Ria na siyang nagiging emosiyonal habang si Jonas ay nakatitig lang sakaniya. Kasalukuyan silang nasa frontyard ng bahay nito.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
Roman d'amourKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
