Chapter8

90 5 0
                                    

Wala si Jonas sa bansa kaya kasalukuyan niyang iniwan pangangalaga sa gallery sa kaibigan niyang si Ria.

Magkakilala na sila mula High School at hanggang ngayon na may kaniya-kaniya na silang mga trabaho.

Nasa function hall ng gallery si Ria ng lumapit ang assisstant niya at hiningan siya ng favor.

Pumasok siya sa opisina ni Joseph para kumuha ng papers para sa mga bagong client nila ng may mapansing familiar painting.

"Ang painting na ito... Ito ang top piece na napili ni Jonas, ah." takang turan niya ng may maalala.

Flashback

"May nag-iwan daw nito sa frontdesk kanina lang. What do you think?"

Tanong ni Ria kay Jonas na mas lumapit pa sa painting na nasa harapan niya.

"A self-portrait"

Basa niya sa title ng painting.

"Sino naman kaya ang mag-pipinta ng ganiyan at A self-portrait pa ang napiling title?"

Natatawang ani Ria.

Kahit si Joseph ay nagtataka. Ang painting ay nagpapakita ng puting bulaklak na may samutsaring madilim na kulay sa petals nito. Pinapaligiran ng kadiliman at ang kabilang parte nito ay unti-unting nilalamon ng nagbabagang apoy.

"Ang painting na ito... kakaiba."

Salita ni Jonas na siyang kinatango-tango ni Ria.

"I see, alam mo ba ang weird ng painter na iyon, ha. Nag-present siya ng painting pero hindi manlang iniwan ang name niya or contact number man lang."

Turan ni Ria sabay krus ng mga braso at tumingin kay Jonas.

"So i-didisplay mo ba? Para sakin okay naman siya."

Tanong ni Ria at akmang kukunin na ng hindi sumagot si Jonas.

"Isang puting bulaklak na unti-unting nababalot ng kadiliman at nasusunog sa lumiliyab na apoy. Ang Self-portrait na ito... posibleng ang buhay mismo ng lumikha." turan ni Jonas sa kaniyang isipan. Umiling siya bago tingnan si Ria.

"Hindi na muna. Ilalabas lang natin ito kapag makita natin ang painter nito."

Sabi niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng mesa na nasa gilid.

End of Flashback

"Ma'am, dumating na po ang ipina-deliver ni Sir Kilua."

Pagpaalam ng katulong kay Miko at inilapag sa mesa sa living room ang isang mini box na naglalaman ng gamot.

Ang stepmom ni Kilua ang nag-suggest ng mga gamot na kada tatlong buwan pinapa-deliver sakaniya.

Nang bumalik na sa gawain sa kusina ang katulong nila saka naman iyon nilapitan ni Miko at tinitigan lang.

Gamot ito upang mapadali ang kaniyang pagbubuntis. Ni wala silang kaide-ideya na walang nangyayaring intimate sa relasiyon nilang mag-asawa. Ang akala nila ay may problema si Miko kaya hindi pa siya nabubuntis ng asawa pero nagkakamali sila.

Sa halip na i-take iyon gaya ng palagi niyang ginagawa ay isa-isa niya itong binuhos sa lababo hanggang sa maabutan siya ni Kilua.

"Anong ginagawa mo?"

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon