Chapter26

26 5 0
                                    

Nang makalabas ng bahay sila Jonas kaagad niyang pina-upo muna si Miko sa pahabang upuan na naroon.

Nanginginig ito sa sobrang takot kaya hinawakan niya ang mga kamay nito para kahit papano ay maibsan ang panginginig ng mga iyon ng biglang lumabas mula sa pintuan si Kilua at nakuha ang atensiyon ng dalawa.

Hinampas niya sa gilid ng pintuan ang paa ng stand na gawa sa kahoy kaya nasira ang dulo niyon at tumulis.

Napasinghap si Miko sa ingay na gawa nun at mabilis tumayo at pumunta sa isang tabi habang si Jonas ay hinarap si Kilua.

"Niloko niyo ako."

Umiigting ang mga panga niyang sambit habang unti-unting humakbang palapit kay Jonas at tinutok ang dulo ng kahoy sa tapat ng mukha nito.

"Alam niyong dalawa ang totoo."

Galit niyang turan habang nakatingin naman ng masama sakaniya si Jonas. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito sa babae.

"Sabihin mo na. Magsalita ka!"

Sigaw nito at hinampas ang hawak na kahoy kay Jonas pero naka-ilag kaagad ito.

At ng muli siyang patamaan nito ay mabilis niya itong napigilan gamit ang isa niyang kamay. Nag-agawan sila hanggang sa mahulog iyon at sinuntok ni Kilua si Jonas sa mukha gamit ang libre niyang kamao.

Tumalsik si Jonas sa sahig kaya muling napasinghap si Miko at nanginginig ang mga kamay na binuksan ang phone na hawak at may tinawagan.

Akmang susuntukin ulit ni Kilua si Jonas habang nakahiga ito sa sahig at hawak ang kwelyo ng damit nito. Narinig niya si Sam na humihingi ng tulong sa pulis sa phone kaya binitawan niya si Jonas at lumapit sa babae.

"P-pulis station? Meron p-po ditong, p-pumasok sa bahay ko. Bilisan niyo, please po."

Hinging tulong ni Miko sa kabilang linya.

Bakas ang inis sa mukha ni Kilua ng mapasabunot siya sakaniyang buhok at sugurin si Miko. Kaya agad napatakip ng mukha ang babae gamit ang kaniyang kaliwang braso nang mabilis pinigilan ni Jonas ang lalaki sa pamamagitan ng pagyapos ng kaniyang mga braso upang hindi ito makapalag at makalapit kay Miko.

Hinawakan ni Kilua ang mga braso ni Jonas na nakapalibot sakaniya at pabaliktad itong binagsak sa sahig kaya namilipit si Jonas sa sakit ng pagtama ng likod niya sa sahig.

Dinaganan ni Kilua si Jonas at sinuntok sa mukha na siyang kinasinghap ng paulit-ulit ni Miko.

Susuntok na naman si Kilua ng mabilis napigilan ni Jonas ang braso nito at matulis pa sa kutsilyong tinignan siya.

"Gusto mong malaman ang totoo? Isa kang walang hiyang lalaki na nang-aabuso ng babaeng mahina. Yun ang totoo."

Sambit ni Jonas kay Kilua kaya gumalaw ang panga niya.

"Anong alam mo? Anong alam mo! Ha!"

Sigaw ni Kilua at akmang susuntukin muli si Jonas ng magsidatingan ang mga tauhan niya at pinigilan siya.

"Sir! Sir, tama na po iyan. Kailangan na po nating umalis, Sir."

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon