Nagulat si Ria ng puntahan siya ni Kilua sa office niya mismo.
"Bakit ka ulit naparito?"
Nagtataka niyang tanong at umupo nadin ng maka-upo na ang lalaki sa sofa.
"Ang kaibigang mo, tawagan mo siya."
Pa-utos na sabi ni Kilua na siyang bahagyang kinangiwi ni Ria.
"Sinabi ko na sayo, hindi siya pumupunta sa gallery kasi busy siya sa mga ginagawa niya."
Pagpapaliwanag niya.
"Nabalitaan kong unconcious siya ng 5 years dahil sa car accident."
Prenteng sabi ni Kilua na parang pinapalabas niyang marami na siyang alam.
"Okay na siya mapagod sa trabaho?"
Taas kilay niyang dugtong. Saglit natigilan si Ria at nagulat pa na pati tungkol sa accident ni Sam ay alam nito.
"Pano mo nalaman?"
Tanong ni Ria na pilit winaglit sa isipan ang pagkagulat sahalip ay pilit siyang ngumiti sa lalaki.
"Pinuntahan ko ang lugar kung saan siya lumaki at inalagaan. At nakita ko dun yung doktor."
Anito na kina-iwas ng tingin ni Ria.
Tumayo si Kilua at tinalikuran si Ria ng nakangisi."Hindi ko alam. Pero kapag pina-plano kong i-meet si Ms. Rodrigo nandun lagi ang boyfriend niyang doktor."
Salita niya at nilingon si Ria na tumayo at nag-aalangang ngumiti sakaniya. Nakikita niyang bothered ito at amoy na amoy niya na may tinatago ito.
"Nasaan ang studio, ni Samantha? Pupuntahan ko."
Pag-iiba ni Kilua ng tanong.
Kasalukuyang nasa clinic si Jonas at may ginagawang trabaho sa computer ng may kumatok mula sa pinto at pumasok si Richie.
"Oh! Ikaw pala."
Banggit ni Jonas at muling binaling ang atensiyon sa ginagawa.
"Nagiging busy kana these days. Hindi na nga kita naaabutan dito sa opisina mo."
Pagrereklamo ni Richie hanggang sa maka-upo siya.
Nginitian lang siya ni Jonas pero nakatingin pa din sa monitor.
"Pssh. Huwag kang ganiyan, baka ma-chismis pa tayo."
Pagbibiro ni Jonas na kina tawa nilang dalawa pero saglit lang din ay natahimik ang silid.
"Di ka pa rin nagbabago, ikaw pa rin ang dating Jonas na mapagbiro at sweet."
Anito at may inabot na isang folder.
"Anyway, narinig kong pabalik-balik sa gallery ang CEO ng K Construction. And I think nabo-bother dahil dun si Ria."
Walang kaide-ideyang banggit ni Richie tungkol dun.
"Kilala mo siya?" tanong bigla ni Jonas.
![](https://img.wattpad.com/cover/214616848-288-k166157.jpg)
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
DragosteKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...