Chapter29

20 5 0
                                    

Gumuho ang mundo ni Jonas ng makita ang mga pictures na sinend ni Kilua sakaniya.

Nalaman niyang nagka-affair si Samantha noon pa pero hindi niya iyon pinahalata at patuloy nagbulag-bulagan.

Fiancè niya si Sam pero ang hindi niya alam ay may mas masakit pa pala sa panloloko ng girlfriend. Yun ay ang malamang ang kaibigan niya--si Richie ang lalaking iyon.

Si Richie na tinuring rin niyang kapatid at pinakalapit na kaibigan. Ang fiancè niya at ang kaibigan niya, ay niloko siya.

Hindi natuloy si Jonas sa pagkikita nila ni Miko kaya nagsimulang mag-alala ang babae.



Pumunta siya sa Hospital pero hindi pa siya nakakapasok ng masalubong siya ni Richie.

"Ikaw si Miko, hindi ba?" tanong nito kay Miko na nagtaka dahil hindi niya alam na may makakaalam pa ng sikreto niya maliban kina Jonas at Ria.

"Kilala mo ako?" nagtatakang tanong ni Miko.

"Kaibigan ako ni Jonas. At kilalang-kilala ko rin ang may-ari ng mukha na iyan." maamong sabi ni Richie.




Kasalukuyan silang nag-uusap ngayon sa restaurant na huli nilang pinagtagpuan ni Ria.

"Nung nasa college pa kami. Sobrang sikat ni Sam sa boys. Para mapasagot siya tatlo kaming lalaki ang nag-compete." nahinto siya saglit habang nakikinig lang si Miko.

"Tapos isang araw, may sin-nuggest siya na isang game." ani Richie at pinaglapat ang mga kamay niya na parehong nakaharap ang palad sakaniya.

"Tatlong bulaklak ang hinawakan niya ng ganito. Tapos pinapili niya kami ng isa tapos sinabi niyang pakakasalan niya ang makakakuha ng pinakamahabang stem." patuloy ni Richie.

"Ang nanalo ron si Jonas. At parang nagbibiro lang siya. Sinabi niya, magiging boyfriend niya si Jonas. At nagkatotoo nga. At naging fiancè niya rin ito nang tumagal." Richie

Napatingin sa baba si Miko at napakagat ng ibabang labi tsaka muling tumingin sa kasama.

"Pero bakit mo kinu-kwento ito saakin ngayon?" tanong ni Miko.

"Dahil ikaw lang ang taong makaka-comfort sakaniya ngayon. Palagay mo, bakit niya pinalitan ang mukha mo sa mukha ng namayapa niyang girlfriend?" ani Richie na kina-isip ni Miko.

"Palagay ko, kaya niya ginawa ang bagay na iyon dahil gusto niyang bumalik si Sam." patuloy nito kaya napakapit ng mahigpit sa laylayan ng damit niya si Miko.

Muli siyang napatingin sa baba at bumuka ang mga labi niya ngunit walang ni-isang salita ang lumabas doon.

"Kaya mahalin mo siya, in behalf of Sam." naki-usap nitong sabi na kina-iwas ng tingin ni Miko dahil sa loob-loob niya nasasaktan siya at the same time nalulungkot sa mga nalaman.



Gulat ang naging reaksiyon ni Ria ng makita ang mga litrato na pinakita sakaniya ni Kilua.

"Ano ang mga toh? Panong--pano-- si Richie? Kung ganun--" hindi matuloy-tuloy niyang salita dahil sa sobrang gulat.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon