Chapter42

19 4 0
                                    

Isang linggo pa ang lumipas. Pumunta si Miko sa KGC, nagbabakasakaling makita si Kilua.

Kahit siya nagtataka, ni kaba wala na siyang mahagilap sa loob niya. Tanging ang makita at maka-usap si Kilua ang siya lang nasa-isip niya.

"W-wala siya?"

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa nalaman nalaglag ang kaniyang mga balikat.

"Bukas... papasok ba siya?"

Tanong niya ulit sa assistant secretary nito.

"I'm sorry Ma'am pero hindi ko po masasagot ang tanong niyo. Ang totoo niyan tatlong linggo ng hindi pumapasok sa work si Sir Kilua."

Sabi nito na kinakunot-noo ni Miko.

"Hindi siya pumapasok?"

Ulit ni Miko sa tinuran ng babae.

"Actually po, si Sir Tyler lang ang bumabalik dito para kumuha ng documents na kailangan ni Sir sa work."

Tumaas ang kilay ni Miko sa sinabi pa nito.

'Tama, si Tyler.
Siya lang ang pinagkakatiwalaan ni Kilua sa lahat. Siya lang din ang nakakaalam kung nasaan ito.'

Turan ni Miko sa isipan.

Kailangan niyang makita at maka-usap si Kilua. Kailangang masagot ang lahat ng katanungang gumugulo sa isip niya. Kailangan.

"Ahm. Si Mr. Pineda? Kailan siya babalik?"

Tanong niya ulit sa babae.



Pagka-uwi niya sa bahay ni Jonas, naabutan niya ito sa sala na may binabasang papel. Nakakunot ang noo nito na parang naguguluhan sa binabasa niyang nakasulat doon.

"Kakarating mo lang?"

Agaw pansin niya rito na mabilis binalik sa loob ng brown envelop ang papel. Wala na ang nakakunot nitong noo pero may pagkabalisa sa mukha. Nginitian niya si Miko.

"Oo. Ikaw, may nilakad ka?"

Tanong ni Jonas. Tinaas ni Miko ang bitbit niyang supot.

"Bumili ako ng prutas." Miko



Habang nanunuod ng movie sa sala nilingon ni Miko si Jonas na maayos na naka-upo habang naka-krus ang mga braso sa ibaba ng dibdib. Naalala niya ang naguguluhan nitong ekspresiyon kanina habang binabasa ang nasa papel.

Biglang pumasok sa isip niya ang uri ng papel na ginagamit ni Kilua. Napatungo siya.

'Tama. Siya lang ang kilala kong gumagamit ng ganoong klase ng papel. May stock siya nun sa home office niya.'

Turan niya sa isipan.

'Kaya paanong...'

Saglit siya natigilan bago lingunin ulit si Jonas.

'Hindi kaya...'

Na-isip niyang galing ang sulat na meron si Jonas kay Kilua. Ano man ang nakasaad dun, gusto niyang makita.




Nang matanaw niya ang pag-alis ng kotse ni Jonas mula sa bintana ng kwarto lumabas siya at pumasok sa kwarto nito.

Una niyang tinungo ang book shelves na malapit sa pintuan. Nang hindi mahanap doon ang brown envelop lumapit na siya sa study table nito. Binuksan niya ang drawer sa ilalim nun pero wala siyang nakita.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon