Dumalaw si Miko sa ospital kung saan naka-confine si Darren at naabutan niyang pinagbabalatan ito ng ginang ng mansanas.
"Ate."
Tawag ni Darren sakaniya kaya napalingon sa gawi niya ang ginang.
"Miko."
Tawag rin nito sa pangalan niya at nagpalitan sila ng mga ngiti.
Kasalukuyang may nag-aasikasong nurse kay Darren habang naka-upo naman si Miko sa mini living room ng kwarto ng bumalik ang ginang matapos magtimpla ng juice nila.
"Thank you for visiting. Alam mo kasi, kapag dumadalaw rito si Kilua ng mag-isa hindi niya naiiwasang i-tanong kung nasan ka."
Ani Yula at nilingon ang anak na nakangiti sa gawi nila.
"Pasensiya po kung hindi kaagad ako nakadalaw sainyo."
Pag-apologize ni Miko sa ginang na sinuhulan naman nito ng isang ngiti.
"I should be the one who's apologizing to you. *sighs* I put you in danger that time."
Aniya tsaka inabot ang kamay para hawakan ang isang kamay ni Miko.
"I'm sorry."
Sincere niyang paghingi ng sorry kay Miko.
After niyang dumalaw sa mag-inang Yula at Darren. Nagpasya ng umuwi si Miko. Naglalakad siya sa hallway ng ospital ng huminto ang mga paa niya sa tapat ng isang pinto at nagdalawang-isip kung tutuloy o hindi.
Walang katok-katok na pumasok si Tyler sa kwarto ni Kilua at diretsong hinakbang ang distansiya nila.
Naka-upo ito sa sahig habang nakasandal sa paanan ng kama. Hinablot niya rito ang tinutunggang bote ng alak.
"Magpapakamatay ka ba, ha?!"
Sigaw ni Tyler dito.
Ito ang unang pagkakataon na sinigawan niya si Kilua. Simula ng magpabugbog ito kay Joseph ay gabi-gabi na ito nagpapalunod sa alak sa dating kwarto nila ni Miko sa mansion. Sobra na siyang naiirita sa pinanggagawa nito sa sarili.
Pero sahalip na bawiin sa kamay ni Tyler ang bote ng alak tumayo si Kilua at huminto sa harapan ng mesa kung saan may bote ng wine roon.
Binuksan niya ito saka tinungga ng muling agawin iyon sakaniya ni Tyler kung kaya uminit ang ulo niya at tinulak ito tsaka kinuwelyuhan.
"Ano bang problema mo, ha?!"
Giit niya kay Tyler na hindi rin inurungan ang matalim niyang titig rito.
Pinalusot ni Tyler ang mga kamay sa pagitan ng mga braso ni Kilua at marahas na pinaghiwalay iyon kaya nalihis ang pagkaka-kuwelyo nito sakaniya kasabay ng pagbasag ng bote sa sahig. Siya naman ang kumuwelyo rito.
"Ikaw ang problema!"
Giit pabalik ni Tyler at pinantayan ang uri ng tingin na pinupukol ni Kilua sakaniya.
"Sahalip na harapin mo ang problema, pilit mo itong iniiwasan. Hindi ikaw ang Kilua na nakilala ko. Isa kang talunan."
Turan ni Tyler na siyang nagpa-igting ng panga ni Kilua kaya sinuntok niya ito na kinatalsik ni Tyler sa sahig.
"Hindi ako isang talunan!"
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
