Sa control room ng mansion ni Kilua may isang lalaking pumasok at kinuha ang footage kung saan naganap sa video ang paghampas ng vase ni Ramon Kazaki sa daughter-in-law nito at sa anak na si Kilua.
Ilang minuto lang inabot niya ito sa taong nasa loob ng kotse na sa parke kung saan madilim at halos walang taong dumadaan.
Mabilis na-upo sa kama si Kilua ng hindi nakapa si Miko sa tabi niya. Nang makapagbihis kaagad siyang lumabas ng kwarto at hinanap ito.
Hindi niya ito makita sa sala kaya naisipan niyang pumanik sa taas ng makaamoy ng pagkain. Nang sumilip siya sa entrada ng dining nakita niya itong hinahanda ang mga nilutong pagkain sa hapag.
He stayed in his place and watch his wife preparing foods for dinner. But what's got his attention is her blooming aura.
She seems happy and he's starting to feel bothered.
Nang mapansin niyang nakatayo na lamang ito habang nakatungo sa mga hinanda naisipan na niyang lumabas sa pinagtataguan niya.
Tumikhim siya dahilan para mapalingon ito sa gawi niya. Saglit silang nagkatitigan ng ito na mismo ang naunang umiwas ng tingin sabay kagat ng pang-ibabang labi.
"Ahm. Balak ko sanang gisingin ka para makapag-hapunan..."
Salita ni Miko na hindi makatingin ng diretso kay Kilua.
May nangyari ulit sakanila at hindi niya alam kung paano ito harapin pagkatapos.
Di tulad nung una dahil umalis siya ng hindi nagpapa-alam para maiwasan ito.
Bumaba ang tingin ni Kilua sa mga kamay nitong nasa harapan at kinukurot ang tela ng apron.
Bahagyang gumalaw ang isang kilay niya knowing that Miko feels awkward and bothered how to act normally infront of him.
"Hindi ka pa ba nagugutom?"
Walang emosyong tanong ni Kilua na siyang kina "Ha?" ni Miko.
He heaves a sigh as he put his hands inside his cotton short's pockets.
"Hindi mo ginalaw ang pagkain mo kagabi. You left at dawn ng hindi nag-breakfast. And you couldn't have your lunch because of what happened. Balak mo bang gutumin ang sarili mo?"
Turan ni Kilua na siyang kinayuko ni Miko.
Naiinis siya dahil pinapabayaan na nito ang sarili, nag-aalala siyang baka magkasakit na naman ito."P-pasensiya kana, h-hindi ko lang kasi talaga naramdaman ang pagkagutom--"
At bago pa niya matapos ang idadahilan hinila na siya ni Kilua at pinaghila ng silya tsaka hinintay na ma-upo bago ito umupo sa katapat niya.
"Kumain na tayo."
Anito na bahagyang tinanguan ni Miko at pina-una itong kumuha ng pagkain.
Wala ng umimik sakanilang dalawa at kumain nalang ng tahimik.Hindi maiwasan ni Miko ang mapasipat ng tingin kay Kilua habang kumakain. Isipin niya palang ang ginawa nitong paghila sakaniya ng silya na dati naman nitong ginagawa parang kinikiliti ang puso niya.
"You should go and rest upstairs after. Ako na ang magliligpit nito."
Salita ni Kilua sa gitna ng pagkain nila na siyang kinataas ng mga kilay ni Miko.
"Hindi mo naman kailangang-- ako nalang ang--" Miko
"You're still sore down there, are you not?"
![](https://img.wattpad.com/cover/214616848-288-k166157.jpg)
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...