Madilim na ng makabalik si Jonas sa bahay niya. Tahimik sa loob kaya alam niyang wala doon si Miko.
Hinanap niya ito sa labas hanggang sa makarating siya sa park at huminto ng nasa playground na siya.
Hindi niya alam kung saan ito hahanapin pero nagpatuloy parin siya. Napatigil lang siya ng makita niya ito na naka-upo sa swing na mag-isa.
He let out a sigh ng mapagtantong walang nangyaring masama dito.
Humakbang siya palapit sa pwesto ni Miko at tumayo sa tabi nito habang naka-upo parin ito sa swing.
Nang mapansin ni Miko na may tao na nakatayo sa tabi niya ay tiningnan niya iyon at muli ring umiwas.
Nakadungaw lang si Jonas sa naka-upong si Miko.
"Alam ko na... kung sino ang kamukha ko."
Pagsimula ni Miko habang nakatanaw sa malayo."Alam ko na ang rason kung bakit gulat na gulat ka nung tanggalin mo ang bandage sa mukha ko."
Dagdag pa niya pero nanatili lang nakatingin si Jonas sakaniya.
"I'm sorry."
Sabi ni Jonas kaya napailing si Miko.
"Hindi ako galit sayo. Ako ang nagsabing okay lang sakin na kahit sino ang maging kamukha."
Hindi pagtanggap ni Miko sa sorry ni Jonas.
Muli niyang naalala nung humarang siya sa kalsada para mapahinto ang kotse kung saan ang nagmamaneho ay si Jonas.
"Sa tingin ko, isa yung milagro na dumating ka ng mga oras na iyon." Miko
"A miracle given by the heavens, nang sa ganoon makapagsimula ako ng bago."
Nanatiling nakinig lang si Jonas sakaniya.
"At masaya ako dahil dun. Niligtas mo ako."
Tumingala si Miko para tignan si Jonas pero umiwas kaagad ito dahil sa namumuong emosiyon sa mga mata niya.
"Siguradong matalino at matapang ang girlfriend mo nung nabubuhay pa. Gusto kong maging ganong klaseng tao."
Aniya at si Jonas naman ang napatingin sakaniya.
"Hindi na ako magiging tulad ng dati na nagtatago at tumatakbo dahil sa takot. Kaya--"
Sinalubong niya ang mga titig ni Jonas sabay sabing...
"Huwag kang mag-sorry." Miko
Nang sumunod na araw ay nagkita si Miko at Ria. Kasalukuyan silang nasa isang Tea shop at magkaharap sa isang table.
"Ikaw si Miko, tama ba?"
Tanong ni Ria at tumango si Miko sabay sagot ng "Oo, ako nga. Ako si Mikohara."
Hindi alam ni Ria kung saan magsisimula so she let out a sigh bago muling magsalita.
"Naaawa ako sayo kase napalitan ang mukha mo ng mukha ni Sam ng hindi mo alam, toh." Ria
"Pwedeng sabihing ganun nga ang naging resulta nito." Miko
"Pero wala akong intensiyon na sisihin si Doctor Jonas sa nangyari. Dahil siya ang nagligtas sa buhay ko. Tatanawin ko ito na utang na loob sa buong buhay ko."
BINABASA MO ANG
MaidenSeries: Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...