Nakatakas si Ramon Kazaki kasama ang iilang tauhan niya. Ang leather bag na sa kalkula ng mga pulis ay sadyang iniwan sakanila ng kung sinong hindi kilala turns out na naglalaman ng ebidensiya sa malaking organisasyong pinapangunahan ni Ramon Kazaki.
Inimbestigahan ang organisasyon, ang factories kung saan tinatago ang mga ilegal na armas at droga.
Hinuli na rin ang lahat ng malalaking tao na kabilang sa organisasyon na may pangalan sa ledger na hawak ni Kilua pati na din ang flashdrive na naglalaman ng cctv footage kung saan hinampas ng vase ni Ramon ang anak niya. Dinagdag din iyon sa kaso ng domestic violence.
Isang linggo na ang lumipas at tanging si Ramon Kazaki nalang ang hindi pa nahuhuli ng otoridad.
Isang linggo na din simula ng sinugod sa ospital ang mag-inang Yula at Darren.
Kasalukuyang nagpapahilom ng sugat si Yula habang unconcious pa din ang anak sa ICU, ni hindi niya ito mabantayan dahil pinagbabawal pa.
Nung araw na iyon, sinalo ni Darren ang bala na para dapat sa ina.
Niligtas siya ng kaniyang anak, kung kaya nasasaktan siya dahil masyado pang bata ang anak niya para makaranas at matamo ang ganoong klase ng sakit.
Dinalaw ni Kilua ang kapatid sa ICU bago tumungo sa kwarto ng stepmother niya.
Nilapag niya sa katabi nitong mesa ang bouquet of flowers at basket of fruits bago umupo sa silya sa tabi ng higaan nito.
Sinusundan lang siya ng tingin ng ginang.
"How are you feeling?"
Tanong ni Kilua na siyang tinugunan lang ng ginang ng isang pilit na ngiti bago mapayuko.
"Hindi... pa din ba siya nahahanap?"
Pag-iiba nito ng tanong na siyang bahagyang kinabuntong hinga ni Kilua bago pagsiklupin ang mga daliri.
"Ginagawa ng otoridad ang lahat para mahanap siya at ganun din ng mga tauhan ko. Nandito lang siya sa bansa. Ano mang pagtago ang gagawin niya mapapagod din siya. He don't have power to control people now lalo na't wala na siyang pagkukuhanan ng pera."
Simpleng turan ni Kilua. Umiling ang ginang.
"Huwag mong maliitin ang kung anong meron nalang siya ngayon. Kilala mo ang ama mo. Tuso siya."
Sabat nito ng may pag-aalala sa mukha.
"Hangga't hindi pa siya nahuhuli at napaparusahan... Mananatiling nasa panganib pa din ang mga buhay natin." Yula
"Naiiintindihan ko kayo. Stop worrying and focus to your healing. Magigising din si Darren."
Ani Kilua na siyang bahagyang kinangiti ng ginang. Inabot nito ang kaniyang kamay.
"Narinig ko. Hiwalay na kayo ni Miko?"
Pag-iba muli ng tanong ng ginang na siyang kina-iwas ng tingin ni Kilua.
Tatlong araw na ang nakalipas ng matanggap nila ang approval ng korte sa paghihiwalay nila.
Tatlong araw na rin simula ng umalis si Miko at nakikituloy sa kaibigan nitong si Mitch dahil hindi pa ito maaaring tumira sa mansion ng pamilya nito na mag-isa dahil sa hindi pa nahuhuli ang kaniyang ama na si Ramon Kazaki.
"Nandito lang ako. Nandito pa kami ni Darren. Pamilya mo parin kami, Kilua. Remember that. Hindi ka nag-iisa. Hm?"
Malambing na ani Yula na siyang sandali nagparamdam kay Kilua ng hindi siya nag-iisa. Bigla niyang naalala ang Mommy niya.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
