Isang buwan na pero hindi parin mahanap-hanap si Miko.
Nagising si Kilua sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana ng kwarto kung saan dati nagpipinta ang wife niya. Ang studio ni Miko.
May iilang bote ng wine sa sahig na nagkalat at basag na wine glass.
Masakit ang ulo niyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa sahig kung saan din siya nakatulog.
Hinilot niya ang kaniyang sintido at ng bumalik na sa dati ang wisyo niya ay una niyang nakita ang vase kung saan unti-unti ng nalalanta ang bulaklak na nakalagay doon.
Lumapit siya doon at pinagkatitigan ang hindi natapos na painting ng asawa hanggang sa muling nanumbalik ang galit niya dahil hindi niya parin ito nahahanap.
Isang buwan na rin at wala pa rin siyang balita. Kung nasaan na ito, kung nasa maayos itong kalagayan, kung nakakakain ba ito? Nag-aalala na siya na kahit sarili niya ay hindi na niya naaasikaso.
Mabilis niyang dinampot ang vase na iyon at tinapon sa sahig kaya ito nabasag.
Bumalik si Joseph sa kwarto ni Miko pero hindi siya kaagad tumuloy sa loob at pinagmasdan itong nakaharap sa salamin.
Si Miko na mismo ang humarap sakaniyang likuran ng makita sa repleksyon ang doktor na nanatili sa tabi ng pintuan.
"Doktor, maraming salamat. Napakalaking tulong ito para sakin."
Mababakas sa mukha ni Miko ang sobrang saya at pasasalamat. Dahil sa ginawa ni Jonas ay makakamit na niya ang kalayaang noon pa niya gustong makamit.
"Kung sino man ang nagmamay-ari ng mukhang ito, pinapangako kong...iingatan ko ito ng mabuti." Miko
Muli niyang tinignan ang itsura sa salamin.
"Gusto ko, ang mukhang ito. Mukha akong, matapang at malakas." aniya.
Jonas smiled a bit and say...
"Simula sa araw na ito, maging malaya ka. Gawin mo ang gusto mong gawin. Ngumiti ka gamit ang mukhang iyan." ani Jonas.
Muli siyang nilingon ni Miko at ngumiti dito.
"Siya, ang unang taong nagsabi sakin na maging malaya ako. Siya ang unang nagsabi sakin, na gawin ko ang gusto kong gawin."
Turan niya sakaniyang isipan.
Dumalaw si Kilua sa mansion ng kaniyang ama. Naabutan niya itong nag-gogolf sa kanilang garden. Binalak niyang huwag nalang itong batiin upang maka-iwas sa mga tanong kung nasaan siya nagsusuksok nitong nakaraang buong buwan.
He's about to pass behind his father pero nagsalita na ito.
"Hindi ka nagpakita sa meeting ng mga bagong investors ng company. Alam mo ba kung anong halaga ng mga salapi ang nasayang dahil sa kapabayaan mo?!"
Napayuko nalang si Kilua dahil alam niyang galit ang kaniyang ama sa kapabayaan niya.
"I'm sorry dad. Hayaan niyo po akong ayusin, toh."
Paghingi ng pasensiya ni Kilua sa ama.
"Di bale na. Ayusin mo nalang ang problema mo sa asawa mo."
Ani kaniyang ama at bumalik sa pag-go-golf.
Kunot noong napa-angat ng mukha si Kilua. Oo, alam niyang wala siyang sikreto na maitatago dito ngunit kahit minsan ay hindi ito nag-utos sakaniya lalo na na-uunahin ang asawa niya kesa sa trabaho.
![](https://img.wattpad.com/cover/214616848-288-k166157.jpg)
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomansaKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...