Chapter12

152 5 0
                                        

Pinulot ni Kilua ang pitaka na nahulog at unti-unting lumakad palapit sa kinatatayuan ni Miko.

"Miss, wallet mo."

Anito sabay abot ng pitaka niya na nagdalawang-isip pa kung haharap o hindi na para kunin iyon dahil sa pangambang makilala siya nito.

Dahan-dahan namang inabot iyon ni Miko ng hindi humaharap kay Kilua at yumuko bilang pasasalamat bago mabilis na umalis.

Nagtataka naman si Kilua sa inakto ng babae pero binalewala niya na lamang  iyon.

"Sir, dito po tayo."

Pagturo ng babae ng direksyon sa pupuntahan nila.

Nang makalayo na ay mabilis napasandal sa pader ng gusali si Miko at namumula ang gilid ng mga mata at tungki ng ilong dahil sa kaba at takot niya kanina.

Sabay napahawak siya sa kaniyang dibdib at pilit pinapakalma ang sarili pati na ang kaniyang paghinga.

"Hindi maaari. Hindi kaya, nalaman niyang buhay pa ako?"

Aniya sa kaniyang isipan.

"Pinuntahan niya ang kaibigan ko. Hindi ako nagtagumpay sa plano ko...hindi siya titigil hangga't hindi niya ako mahanap."

Maiyak-iyak na turan ni Miko sa isipan.


Kasalukuyang nasa isang botique si Kilua at naka-upo lang sa VIP couch habang ang babaeng kinuha niya upang alamin ang tungkol sa dress ay kausap ang manager ng botique.

"Yes, ma'am dito nga po ito binili."

Sabi ng manager matapos niyang tignan ang dress at ang brand nito.

"Kung ganun, alam niyo kung sino ang bumili ng dress?"

Tanong ng babae sa manager.

"Marami na rin po kasing nakabili ng the same brand nitong dress---"

Sabat ng isa pang babae na siyang nag-aasikaso sa mga costumers ng botique.

"Kung ganun bigyan niyo nalang ako ng listahan ng mga taong nakabili ng dress at---"

"I'm sorry ma'am pero hindi po pu-pwede ang request ninyo pong iyan. Classified po kasi ang--"

Nag-aalinlangang sabi ng manager.

"Isa sa mga bumili nitong klase ng dress ang suspect na iniimbestigahan namin, kung kukuha pa ng warrant matatagalan ang paghahanap namin. Ayaw niyo naman sigurong pabalik-balik kami dito? I'm sure magtataka ang mga costumers niyo."

Napangisi si Kilua sa narinig na palusot ng kinuhang bagong tauhan.

Nagkatinginan ang manager at ang empleyado nito.

"Maaari po ba kayong makapaghintay sandali?"

Tanong ng manager sa babae at umalis upang kuhanin ang listahan.

Sumulyap naman ang babae sa amo at sumenyas ito ng "ok na" sa pamamagitan ng konting yuko.


Bumalik si Miko sa gubat kung saan niya nawala ang kaniyang bag. Ngunit sa kaniyang paghahanap ay may iilang naka-black suit na kalalakihan siyang natanaw at mabilis na nagtago sa likod ng isang puno.

"Maghanap pa kayo sa parteng iyon!"

Utos ng lalaki sa ibang kasama.

Muli niyang sinilip ang mga ito at gaya niya ay mukhang naghahanap ang mga ito.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon