Nakaharap si Kilua sa mga paperworks niya ngunit hindi pa rin siya mapakali sa pagpunta niya sa huling bahay.
Madilim na sa labas at nagpupunas ng bowl si Miko habang si Jonas ay nagsasalin ng kape.
"Tapos na akong magpanggap bilang acting girlfriend mo ngayong araw."
Sabi ni Miko kay Jonas na lumingon din sakaniya at ngumiti.
"Great work for today."
Ani Jonas at bitbit ang dalawang tasa ng kape na tinungo ang dining table.
Hawak ni Miko ang bagong phone kung saan lumitaw ang pangalang "Dr. Jonas'' sa caller ID.
Hinarap naman ni Jonas ang phone niya at nakapangalan si Miko as 'VVIP' sa contact nito.
"Ito ang emergency number mo." Jonas
"Tawagan mo ako kung sakaling kailangan mo ng tulong ko. I-ignore ko ang prank calls."
Sabi pa ni Jonas kaya napangiti si Miko.
"Kapag nakahanap kana ng matitirhan, huwag mong kalimutan na ipaalam sakin."
Sabi niya na tinanguan ni Miko.
"Huwag kang mag-alala sakin. Simula ngayon mamumuhay ako ng malaya... at masaya."
Ani Miko kaya napangiti si Jonas ng biglang may nag-doorbell, nagkatinginan sila.
Nakatayo sa labas ng gate si Kilua ng lumabas si Jonas. Nang makalabas siya ay hinarap niya ito ng nakakunot ang noo.
"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?"
May inis na tanong ni Jonas.
"May kailangan lang akong i-check."
Sagot kaagad ni Kilua.
"Akala ko ba malinaw na. Hindi ko na hahayaan ang kapangahasan mo sa pagkakataong, toh."
Sabat ni Jonas dahil naaangasan na siya rito.
Nginisian lang siya ni Kilua at walang paalam na pumasok sa gate kaya agad siyang sinundan ni Jonas at pinigilan sa braso kaya muli silang nagkaharap. Pero kaagad binawi ni Kilua ang braso niya at kinwelyuhan si Jonas.
"Kailangan kong malaman kung girlfriend mo talaga ang nasa loob."
Nagtatagis-bagang na turan ni Kilua.
"Bakit, may problema ba?"
Matamang tinignan niya si Jonas at tinulak ang mga braso nito kaya napahiwalay silang dalawa.
"Pag hindi mo ipinakita sakin ngayon ang---"
Naputol ang sasabihin niya ng marinig ang boses ng isang babae.
"Jonas?"
Tawag ni Miko mula sa bungad ng pintuan.
Nagkasalubong pa ang kilay ni Kilua at itinuon ang tingin sa pinanggalingan ng boses. Nakita niyang may nakasilip mula sa pintuan.
Lumabas si Miko at lumapit sa tabi ni Jonas.
"May bisita tayo?"
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
Storie d'amoreKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
