Na discharge na si Ria sa pagka-confine sa hospital at kasalukuyang tinatawagan si Jonas pero hindi sumasagot kaya naisipan niyang kay Richie magtanong kahit na masama pa rin ang nararamdaman niya sa tinuring na kaibigan dahil sa panloloko nito kay Jonas.
Gaya ng kay Jonas, wala ring sumasagot kaya naisipan niyang magtanong sa nurse's ward na kalapit ng office ng dalawa.
"Si Jont at Richie?" tanong ni Ria sa nurse na nasa ward.
"Parehong wala sila rito. Nagmamadali silang umalis pero di naman sila sabay." sagot ng nurse kay Ria.
Muli niyang tinignan ang contacts niya at muling dinial ang number ni Richie. Hindi niya iyon tinigilan hanggang sa makalabas na siya sa elevator at siyang pagsagot sa tawag niya.
"Richie, nakita mo si Jonas? Alam mo kung nasaan siya?" nabuhayan ng loob na tanong ni Ria.
Kasalukuyang nasa isang bar si Richie at naka-upo sa counter table.
"Hindi ko alam kung nasaan siya Ria. Pero I think alam ko kung sino ang kasama niya." sabay tukod ng mga siko sa counter.
"Naghahanap si Kilua ng expert... sa reconstructive surgery. At ang sabi ko sakaniya ang dapat niyang lapitan... si Jonas." Richti heaves a sigh at halatang medyo may tama na siya sa iniinom.
"Ria, si Kilua... palagay ko masama talaga siya. Balak niyang, parusahan tayong tatlo." aniya at binaba na ang tawag tsaka napatukod ng noo sa kaliwang kamao na halatang problemado.
"Richie--Richie, Hello?" nainis si Ria dahil binabaan siya ng phone. Napabuga siya ng hangin at napailing nalang.
Sa loob ng operating room, nakatayo pa rin sina Jonas at Miko kasama ang mga nurses at asst. doctor na saglit lang ay umalis na muna.
Napalingon naman si Miko sa gawi ni Kilua at nakatingin lang ito sakanila mula sa labas ng OR.
"Gawin mo na... ang surgery." sabi ni Miko pero umiling si Jonas.
"Delikado. Hindi ko magagawa." sabi ni Jonas sakaniya kaya napayuko si Miko.
"Ibalik mo... ang dati kong mukha. Okay na sakin iyon." nakapikit niyang saad na parang labag din sa kalooban niya ang balak mangyari ni Kilua.
"Please." dagdag pa ni Miko.
Akmang aabutin ni Jonas ng kanang kamay ang kaliwang pisngi ni Miko para mahaplos pero umatras ito.
Mas lalo naman tumulis ang tingin ni Kilua sakanila at hinigit ang mga kamao bago tumayo at umalis doon na sinundan naman ng secretary niya habang ang ibang tauhan ay nakabantay lang.
Napansin ni Jonas ang pag-alis ni Kilua at muling tinignan si Miko pero nakayuko lang ito.
Pumasok sa isang room si Kilua at gaya ng nasa labas ng operating room ay may couch din sa loob na parang isang meeting room. Pero sa loob ay makikita pa rin ang pangyayari sa operating room dahil malayang nakabukas ang cctv sa monitor ng kwarto.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
