Nagpipinta si Miko ng bagong bulaklak kung saan makulay at malayang namumukadkad sa gitna ng munting ilaw na hatid lamang ng lampshade.
Lumabas siya ng inuupahang bahay at napahinga ng sariwang hangin bago tuluyang umalis para maghanap ng trabaho.
Sa Art Gallery, inaasikaso ni Ria ang kaniyang bisita.
"So, gusto ba ng boss niyo ang madaming pieces of art?"
Tanong ni Ria sa representative na pinadala ng isang company.
"Para sa quarter na, toh. Kailangan namin ng 20 pieces."
Sabi ng lalaki na nasa middle-aged na.
"That's wonderful! Pwede bang malaman kung sino ang boss niyo? Gusto ko siyang ma-meet."
Puno ng excitement na wika ni Ria.
"Huwag mo nang alamin. Hindi siya basta-basta nagpapakilala---"
Naputol ang iba pang sasabihin ng lalaki ng tumunog ang phone niya kaya mabilis niya nilapag sa malapit na mesa ang mga gamit niya at sinagot ang tawag.
"Ah. Hello, sir. Ah-- O--opo, sir. Nga--ngayon na po?"
Natatarantang tanong ng lalaki at hindi na nakapagpaalam na umalis kaya naiwan si Ria doon.
Napadako ang tingin niya sa isang business magazine na hawak ng lalaki kanina. Kinuha niya iyon at tinignan ng mabuti kung sino ang nasa front page.
"Ito yung lalaki nung nakaraan. CEO of K Group, Kilua Kazaki. So, siya ang husband ng babaeng iyon?"
Turan niya sakaniyang isipan.
Lumabas mula sa Art Gallery Entrance si Jonas ng magkasalubungan sila ni Miko.
Nginitian siya ni Miko pero nahawi rin ng walang emosiyong tinignan lang siya ni Jonas. Pero ilang saglit lang din at nginitian siya nito na kinangiti niya ulit.
Si Jonas ang lumapit sa pwesto niya at hindi mabura-bura ang mga ngiti sakanilang mga labi habang magkaharap.
"Okay, ka lang ba?"
Tanong ni Jonas sakaniya na parang ilang linggo na silang hindi nagkita.
"Oo." Miko
"Nakahanap kana ng place?"
Tanong niya ulit.
"Oo."
Muling sagot ni Miko.
Hinatid naman sa labas ni Ria ang lalaki kanina. Akmang babalik na siya sa loob ng matanaw sina Joseph at Miko na magkasama.
"Ms. De Vela."
Tawag ng boses ng lalaki kaya nilingon iyon ni Ria at nakita si Kilua na kakalabas lang ng kotse at palapit sa pwesto niya.
Napasinghap pa siya ng makita ito at muling napatingin sa gawi ng dalawa. Sinundan naman ni Kilua kung ano ang tinitignan niya. He placed his right hand in his pocket.
"Nagkita uli tayo!"
Pagkuha niya sa atensiyon ng dalawa kaya parang nataranta si Ria sa ginawa nito.
Sabay napalingon ang dalawa. Nang mapadpad ang tingin ni Miko sa asawa ay bigla ulit siyang nakaramdam ng kaba at nilamon ng takot kaya nabahala si Jonas.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries: Love In Sadness
RomansaKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...