Kakabalik lang ni Kilua sakaniyang opisina mula sa isang business trip at naisipang tawagan ang asawa. Ngunit nakaiilang ring na siya pero hindi parin nito sinasagot ang tawag niya.
"Ihahanda ko po ang kotse." salita ni Tyler na nakatayo sa bandang likuran niya at lumabas na tila alam na ang susunod na iuutos ng boss niya.
He text her kahit pa alam niyang hindi din papansinin ni Miko ang mensahe niya. He waited for 3 minutes like he used to do sa pagbabakasakaling dumating ang panahon na sasagot narin ito sa wakas sa mensahe niya.
Pero nang maubos na ang tatlong minuto minabuti na niyang i-check ang location signal nito sa kaniyang ipod gaya nang nakasanayan na niya.
Napalagay lang siya nang makita ito sa balcony ng kwarto nila. Binitawan niya ang ipod sa ibabaw ng mesa at sumandal sakaniyang upuan bago tawagan si Tyler at sinabing bumalik na ito sa opisina niya at may ipapagwa siya.
Pumasok si Miko sa loob ng kwarto mula sa balkonahe at tinignan ang cellphone niyang nasa ibabaw ng kama.
Nalaman niyang nakailang tawag ang asawa niya at may dalawang text message ito sakaniya.
"Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot. Kakabalik ko lang ng bansa, magkita tayo mamaya." sabi sa unang mensahe ni Kilua na hindi manlang binigyan ng kahit katiting na emosyon ni Miko.
"Don't forget our dinner date, 8pm. I bought you gifts, nasa table. I'll be happy if you wear it tonight. I'll wait for you." sabi pa nito sa ikalawang text message.
Nagtungo naman si Miko sakanilang walk-in closet at nakita roon ang tinutukoy ng asawa na regalo. Isang mamahalin na kuwintas ang bumungad sakaniya na napupuno ng maliliit na dyamante sa isang box. May nakita rin siyang notecard kasama nito at branded na dress kasama ng sapatos.
"Hope you like it." sabi sa nakasulat sa card na nasa tabi ng box.
Humigpit ang paghawak ni Miko sa card na hawak at nagpipigil kumawala ang mga nangingilid na luha sa kaniyang mga mata. Muli niyang naalala ang argumento nilang mag-asawa matapos niyang gumaling sa sakit at umalis ito para sa business trip nito.
Flashback
"Congratulations Ma'am. Na-elect po ang painting niyo!" nagagalak na boses ng babae sa kabilang linya.
"Talaga?" bakas ang pagkatuwa sa mukha ni Miko ng malaman ang magandang balita.
"Opo, Ma'am. Gusto rin po sana namin kayong imbitahan para makilala po kayo ng owner nang Gallery." anito
"Ganoon ba? Naku, nakakatuwa naman. Maraming salamat. Salamat talaga."
Paulit-ulit na pagpapasalamat ni Miko sa kabilang linya at napakalawak ng ngiti niya nang mga oras na iyon dahil muli niya maipapakita ang paintings niya sa mga tao.

BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
Storie d'amoreKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...